Fee sa bangko at Fintech, hindi napapanahon

0
148
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

HINDI napapanahon mga kabayan, ang mataas transakyon fee ng ibang mga bangko at iba financial Institutions lalo na ngayon na wala pang pagbabago sa sitwasyon ng COVID-19.

Dahil dyan mga ’igan, inupakan ni Senadora Imee Marcos ang bitin na suspensyon sa mga transaction fee ng mga bangko at financial technology (fintech) companies na hanggang sa katapusan ng Oktubre lang.

Aniya, dapat palawigin pa ang suspensyon hanggang sa malinaw nang humupa ang  nararanasan nating pandemya.

Si Marcos kasi ang chairman ng Senate Committee on Economic Affairs na dapat sana’ y hanggang sa kalahating bahagi ng susunod na taon ang nasabing suspensyon sa mga transaction fees, kung saan mayroon nang aasahang bakuna kontra sa COVID-19, para mapalago ang mga maliliit na online business o negosyo.

“Sinisikap ng opisyal na maisulong ang 60-day debt moratorium para sa publiko sa tulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas. Kung hindi ito maipatutupad masasayang lang ang pinaghirapan dahil sa mga bagong bayarin,” ani senadora.

Dagdag pa nito na kaya naman yung mga nawalan ng trabaho ay napuwersa at na-obligang maghanap ng alternatibong pagkakakitaan sa online dahil sa pandemya.

Kabayan, suportahan natin at tulungan silang mapalago ang maliliit na online business ngayong panahon ng krisis,”

Mga ’igan, iba’t-ibang bangko at mga popular na fintech companies tulad ng GCash at Paymaya ang nagbalak na magpatupad ng mga transaction fee ngayong Oktubre pero sinuspinde sa Nobyembre o hanggang sa katapusan lang ng taong ito.

Mantakin n’yo mga  ’igan, kabilang dito ang service charge na P15 para sa money transfer, at P20para sa over-the-counter na transaksyon at cash withdrawal sa mga Mastercard, at fintech fee na 1% hanggang 2% sa cash-in at over-the counter transaction ng P8,000 pataas.

At dahil sa hindi napapanahong dagdag singil, umalma ang ilan sa mga may-ari ng maliliit na online businesses dahil nagsisimula pa lang sila sa negosyo, pasakit na agad ang sumalubong sa kanila.

Base sa inisyal na datus aabot sa 75,000 na mga online businesess na rehistrado sa bansa ay gumagamit ng serbisyo ng may 200 fintech companies para sa pagpapautang ng pera, singil sa mga bayarin, digital wallet at pagpapadala ng pera.

Gayunman,kayang-kaya naman ng mga bangko at fintech companies na ikansela muna ng matagal-tagal ang pagpapatupad ng mga dagdag nilang sinisingil.

Matatandaan na noong 2019, bago pa ang pandemya, ang transaksyon sa pera online ay nakapagtala ng 36% na pagtaas ng kanilang value na umabot ng P760 billion, base sa ulat ng Fintech News Philippines bukod pa ang 29% na may mga bank accounts.

Sa putos at hakbang ng senadora, malaki ang maitutulong nito sa mga maliliit na  negosyante sa panahong ito ng pandemya.

Para sa inyong mga reklamo at reaksyon  mag send lamang sa thony.arcenal@gmail.com. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here