Feed store sa Batangas nilooban, magnanakaw dumaan sa bubungan

0
1348

LIPA CITY, Batangas — Niloooban ang isang tindahan ng feeds at nilimas ang laman ng vault nito na aabot sa halagang P400,000 dito sa nasambit na lungsod Miyerkules ng umaga.

Ayon sa ulat ng pulisya, nakatanggap umano sila ng tawag mula sa empleyado ng Qualimeals Feedmills Inc., sa Brgy. Banay-Banay ng naturang lungsod bandang alas-9:20 ng umaga tungkol sa naganap na nakawan.

Agad na tinungo ng mga operatiba ang naturang tindahan at napag-alaman na isang empleyado na nagngangalang Desiree Reyes ang nakadiskubre ng nangyaring nakawan dahil pagdating nito sa opisina ng naturang tindahan ay magulo ang mga gamit, bukas na ang vault at wala na rin ang perang nasa loob nito.

Nakita rin sa CCTV ng tindahan ang butas na bubungan kung saan dumaan ang suspek.

Nagsasagawa na ng follow-up operations ang Lipa City police upang matukoy at madakip ang responsable sa naganap na nakawan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here