Home Bulacan Local News Fernando, naglabas ng sariling bersyon ng ‘anti-epal’ na EO sa Bulacan

Fernando, naglabas ng sariling bersyon ng ‘anti-epal’ na EO sa Bulacan

38
0
SHARE
Pinangunahan ni Bulacan Gob. Daniel R. Fernando ang pagtatanggal ng lahat ng sira, luma at hindi na namimintinang mga tarpaulin na nakalagay sa mga daan, bakanteng lote at iba pang pampublikong parke o lugar kabilang na ang mga nakasabit sa puno at poste sa lalawigan ng Bulacan na siyang nakasaad sa inilabas niyang Executive Order No. 002-2019. (Larawan mula sa PPAO)

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Ipinag-utos ni Gob. Daniel R. Fernando na tanggalin ang lahat ng sira, luma at hindi na namimintinang mga tarpaulin na nakalagay sa mga daan, bakanteng lote at iba pang pampublikong parke o lugar kabilang na ang mga nakasabit sa puno at poste sa lalawigan ng Bulacan, sa bisa ng Executive Order No. 002-2019, na sarili niyang bersyon ng batas na ‘anti-epal’.

Inilabas ang nasabing kautusan upang bantayan ang mga tarpaulin na nakapaskil sa buong lalawigan na walang konsiderasyon sa kung saan ito dapat ilagay at iskedyul ng pagtatanggal na nakadadagdag sa basura sa lalawigan.

Isinaad din ni Fernando sa EO na nililimitahan ang pagpapaskil ng lahat ng mga promotional material bilang suporta sa proyektong pangkalinisan sa Bulacan.
“Kahit mga mukha namin ni Vice Gov. Alvarado pinatatanggal natin dahil ang totoo dapat tayong lahat concerned dito,” ani Fernando.

Kaugnay nito, inilabas din niya ang EO No. 005-2019 na hinggil sa mga panuntunan sa pagpapaskil ng mga pabatid, tarpaulin at iba pang patalastas sa lalawigan at pinangunahan ang pagtatanggal ng mga tarpaulin na nakalagay sa mga poste sa Bocaue nitong Martes.

Sinabi pa ng gobernador na ang mga EO na ito ay mahigpit na pagpapatupad sa mga nauna ng panlalawigang kautusan bilang 02-2012, 006-2002, at 001-1996 o ang Provincial Administrative Code of Bulacan kung saan naroon din hindi lamang ang tagal ng ilalagi ng mga ipapaskil kundi maging ang kaukulang multa at parusa na hindi bababa sa P1,000 at hindi lalagpas sa P5,000 o pagkabilanggo.

Sinabi rin ni Fernando na ang mga makokolektang multa ay hahatiin sa barangay, munisipyo at pamahalaang panlalawigan.

“Lahat ng ito ay muling dumadaan sa ebalwasyon pero kung ang offense ay sa provincial o national road, 100% ng fines mapupunta sa PGB, ‘pag sa municipal road, 40% sa probinsiya 60% sa munisipyo at kung barangay road 35% sa probinsiya at 65% sa local fund ng Sangguniang Barangay,” aniya.

Idinagdag pa ng punong lalawigan na ang nasabing EO ay alinsunod sa Republic Act 7160 na tumutukoy sa pagpapatupad ng batas na nagbabawal sa polusyon na mahalaga sa pangangalaga sa kapaligiran at likas na yaman.

SHARE
Previous articleAngelica pinagtatawanan na lang ang naging relasyon kina Derek at John lloyd
Next articleCeremonial Planting on System of Rice Intensification
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here