Filipino at Panitikan, bawal sa mga Kolehiyo?

0
48
Opinion Column by Thony DP Arcenal.

NAKALULUNGKOT mga ’igan, dahil pilit na inaalis sa mga unibersidad at mga kolehiyo ang pagtuturo ng Filipino at Panitikan na dapat sanay panggagalingan ng husay sa mga wika o salita ng mga kabataan.

Katuwiran ng Korte Suprema at ng mga proponent na nagsusulong na tanggalin sa kolehiyo ang naturang mga subject dahil meron daw nito sa K-12 Program.

Kung hindi ba naman isang kilong gunggong ang mga nagpanukala ng batas na yan, malinaw po kahit saan tayo mapadpad taglay natin ang pagiging lahing kayumangi na tinatawag na Pinoy.

Ibig sabihin lengguwaheng tagalog o sa wikang Filipino ang bawat bigkas ng mga kataga o letra ng salita.

At dahil sa dinala sa Korte Suprema ng mga may akda ng nagbabawal na palaganapin sa mga kolehiyo, maraming mga magulang at mga mag-aaral ang umangal sa gustong mangyari noong panahon ni dating Pangulong Benigno Simeon Aquino III.

Plano kasi ng Korte Suprema na desisyunan ang GR no. 217451 subalit may naghain ng Temporary Restraining Order o TRO para muling pag-aralan ang naturang usapin.

Abril 21, 2015 ng maghain ng TRO sa En Banc ng Supreme Court si Dr. Bienvenido Lumbera na miyembro ng Alliance of Concern Teachers kasama si Atty. Gregorio Fabros na humihiling na repasuhin ang plano noon ni dating Pangulong Aquino.

Sa usaping yan, mga ’igan tahimik ang CHED o Commission on Higher Education sa planong pag-alis ng mandatory subject o curriculum sa college.

Ayon naman kay Dr. Mykel Andrada ng Sentro ng Wikang Filipino sa U.P. Diliman sa depensa SC, itinuturo na daw kasi sa Senior High
ngunit hindi magka-level ang turo.

Malinaw naman kasi sa ating 1987 Charter States na ang National Language of the Philippines is Filipino and that as it evolves. It shall be further develope and enriched on the basis of existing Philippines and other languages.

Dinagdag pa ni Andrada na “the Constitution also provides that the government should take steps to initiate and sustain the use of Filipino as a medium of official communication and as a language of instruction in the educational system”.

Hindi naman po tayo kontra sa ingles bilang wika dahil pwede namang aralin,

Ang problema nagiging dominante sa sistema ng ating edukasyon, bagama’t maraming wika o salita ang maaring matutunan.

Ganun pa man, mananatili ang laban ng mga magulang at mga kabataan sa isyu ng Filipino at Panitikan.

Para sa inyong nga reklamo at reaksyon mag send lang sa thony.arcenal@gmail.com (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here