Firecracker related injuries ng 2017 bumaba ng 40%

0
452

BASE sa opisyal na ulat ng Philippine National Police (PNP) at datos ng Department of Health (DOH), bumaba ng 40 porsyento ang bilang ng mga firecracker related injuries ngayong 2017 kumpara noong nakaraang taon.

Ayon pa sa ulat, mula Disyembre 21-29, 2017 may kabuuang kasong 72 firecrackers related injuries ang naiulat kung saan 40% at mas mababa noong 2016 at 59% (104 kaso) sa kaunaunahang pagkakataon sa  loob ng limang taon  mula 2012-2016.

Mula rin sa naturang ulat, 14 katao ang naaresto sa pagbebenta ng iligal na paputok at umabot sa halagang P14,230 ang nakumpiskang iligal na paputok. Siyam ang naaresto sa illegal discharge of firearms, lima ang sibiliyan, dalawa ang mula sa PNP, isa ang security guard, at isang opisyal ng gobyerno.

Wala namang naiulat ang PNP ng mga kaso ng firecrackers indigestion at stray bullet injuries.

Ayon sa PNP ang pagbaba ng bilang ng mga firecrackers related injuries at kaso ng stray bullets ay dahil sa maagang kampanya ng kapulisan at operasyon at surprise inspections sa ibat ibang pagawaan ng paputok at mga establisimyentong nagbebenta nito.

Patuloy namang hinihikayat ng PNP ang publiko na mag post o mag upload sa kanilang social media accounts ng mga video at larawan ng mga taong gumagamit ng baril  habang nagdiriwang ng bagong taon at kaagad itong ipagbigay alam sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here