Home National News Foreman, huli sa buy-bust ops sa Ilocos Sur

Foreman, huli sa buy-bust ops sa Ilocos Sur

1948
0
SHARE

CANDON CITY — Kulong ang isang foreman matapos na mahuli ito sa isinagawang anti-illegal drugs buy-bust operation Sabado (Nov. 10) sa Brgy. Bagar sa nabanggit lungsod.

Kinilala ng Candon-PNP ang suspek na si Jose Gadiano Marbel Jr., 51-anyos, may asawa ng Brgy. Balingaoan.

Nakuha mula kay Marbel ang 1 medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu,1 black iPhone, P1,000 (buybust money) na may serial number na EN2068, at P740.00 na personal money ng suspek.

Ang suspek at pati na rin ang mga nakumpiskang mga item ay nasa kustodiya ngayon ng Candon City Police Station for proper disposition.

Ayon kay P/Supt. Dexter Mariano T. Paredes, OIC ng Candon-PNP, si Marbel ay isa sa mga drug surrendered personality sa naturang bayan sa inilunsad na Oplan Tokhang noon. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here