Frankie Pangilinan, binalaan ang mga bashers

0
334

SA social media ng panganay na anak nina Sharon Cuneta at Senator Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan ay may pagkaklaro siyang mensahe para sa kanyang mga bashers.

Tweet ni Frankie: “You probably know this by now but just a reminder that my personal convictions don’t reflect the rest of my family’s views and vice versa.”

May mga opinion kasi si KC tungkol sa gobyerno na hindi nagugustuhan ng mga kapanalig ng administrasyon.

Tahasan din niyang sinabi sa mga kritiko na ang kanyang paniniwala ay tanging sa kanya lamang at walang nagmamaniobra kung ano ang gusto niyang sabihin sa kanyang social page.

Tweet pa nga niya, “i’m a whole woman with a brain (smiling face emojis) ok?”

May mahaba pang paliwanag si Frankie (as is): “like still growing up and def still learning but don’t come for my parents or my family if you disagree with me because i’m the one who should be held accountable for my own choices and actions and i’m committed to growth…”

Ang tweet ni Frankie ay obviously patungkol sa kanyang mga bashers.

Ibig niyang sabihin ay siya raw ang harapin kung may hindi sila gusto sa mga ipinararating niyang mensahe at ‘wag ang kanyang mga magulang ang babanatan ng mga kritiko.

Tahasan nang sinabi ni Frankie na hindi niya papasukin ang showbiz.

But if given a chance mas gusto raw niya ay sa pulitika. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here