Frankie Pangilinan sumuporta sa “#WeBlockAsOne

0
174

HINDI na nakatiis ang anak nina Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan na si Frankie Pangilinan kaya inalmahan na ang kanyang mga bashers.

Napuno na yata ang comment sections ni Frankie na pawang panlalait sa kanya ang komento sa loob ng isang taon na hanggang ngayon ay hindi siya tinatantanan.

Ipinost ng 19-year-old mega daughter sa kanyang Twitter account ang sandamakmak na negative comments sa kanya.

May nagsasabing bobo siya na anak ng bobong senador, stupid girl at bida-bida.

“Oii bobang anak ng bobong senador na pangilinan lam mo neng Kung anung taas ng pinag aralan mo at ganda ng iskul mo un ang bobo mo sing bobo mo tatay mo isa kang cancer sa lipunan kung ala ka masabing matino shut up ka nlng gusto mo ikaw nlng I frontline masyado kang maraming alam bidabida ka e bobo ka nman naturingan nag aral ka sa abroad ang bobo mo,” ani ng basher.

Post naman ni Frankie: “For all the times you managed to make me question my self worth, for all the times you threatened to find me, hurt me, kill me, for all the times you tried to silence me, and for everyone who’s felt the same – for everyone who deserves better. #WeBlockAsOne”

Sinabi pa ng anak ni Shawie kung galit sa kanya, bakit daw obsessed sa kanya ang commenter.

“Every single damn day for the last year at least??? Like get a fkin life if u hate me so much why u obsessed with me.”

Sinabihan pa si Frankie na kung walang magandang masasabi, “better quarantine your big mouth.”

Kung anu-ano pang below-the-belt ang mga sinasabi ng basher against sa anak nina Kiko at Shawie.

Si Frankie ay nababatikos dahil sa kanyang mga opinion sa nangyayari sa bansa.

Pero si Frankie ay hindi nagpapatalo sa kanyang bashers.

Para sa kapatid ni KC Concepcion panalo pa rin siya sa mga ito.

Kahit daw paulit-ulit niyang basahin ang mga komento ay carry naman niya.

Aniya: “anyway, I have a brain and a mirror lmao”

Talagang palaban ang second mega daughter dahil may pahabol pa siyang pang-aasar sa kanyang mga bashers.

“ok last na – if any of these contextually superficial ass things are your consistent crutch/es: the word bobo, my voice, my looks, my relationship status, my family members’ love lives, and you can’t mmake any substantial fact-based arguments, e di panalo ako, diba?”

Tanong tuloy ng netizens, “Seryoso tanung. Bakit ba ang dami basher nito kaysa sa ate niya?

“May nagawa ba siya or something? Yung iba naman na May Sikat na parents Like her Wala pa ako nababasa or nakikita hate towards them. Si Frankie halos lahat gigil sa Kanya. She looks nice naman and smart?”

Kahit naman daw ang sister niyang si KC ay marami ring bashers.

“Hello, di ba ate nya marami din bashers? About sa weight and lovelife nga lang.”http://resources.blogblog.com/img/blank.gif

“She’s not smart. Ang dami nyang sablay na opinion based on her sheltered life. Isa pa, she wouldn’t study in an unknown university abroad if she really is smart.”

Kaya raw maraming bashers si Frankie dahil ‘feeling matalino’ eh halos sablay naman daw ang ipinaglalaban. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here