Freelance singer ng San Jose Del Monte, kampeon sa Bulacan X-Factor grand finals

0
425

LUNGSOD NG MALOLOS – Itinanghal na kampeon ang freelance singer at third year BS Travel Management student ng Our Lady of Fatima University mula sa San Jose Del Monte City sa “Bulacan X- Factor Grand Finals“na ginanap sa makasaysayang Simbahan ng Barasoain sa lungsod na ito noong Setyembre 11, 2017.

Ipinamalas ng kampeon na si Famela Anne Aglabtin ang kanyang husay sa pagbirit ng kundiman na ‘Bituing Marikit’ at tumanggap ng tropeo at perang papremyo na P50,000.

Nakakuha rin siya ng special award para sa Best OPM Song at nag-uwi ng karagdagang P5,000 at sertipiko para sa mahusay na rendisyon ng awiting ‘Ikaw Lang ang Mamahalin’.

nolvadex online Antabuse online Si Famela Anne Aglabtin (ikatlo mula sa kaliwa), matapos tanghaling kampeon sa “Bulacan X-Factor Grand Finals” na ginanap sa patio ng Simbahan ng Barasoain, Lungsod ng Malolos, Bulacan noong Setyembre 11, 2017. Makikita rin sa larawan sina (mula kaliwa) Jorge Allan Tengco, presidente ng Bulacan Tourism Council, Bokal Ma. Lourdes Posadas at ang pinuno ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office Dr. Eliseo Dela Cruz.

Samantala, wagi naman si Trixie Dayrit ng Santa Maria ng ikalawang pwesto para sa kanyang awiting ‘Mutya ng Pasig’ habang ikatlong pwesto naman ang nakuha ng third year Broadcasting student mula sa Bulacan State University na si Marrey Anne De Leon ng Paombong para sa kantang ‘Pakiusap’ kung saan nanalo sila ng tropeo at perang insentibo na nagkakahalaga ng P30,000 at P15,000 ayon sa pagkakasunud-sunod.

Dagdag pa dito, nanalo din si Dayrit ng ‘Best Kundiman Song’ habang si De Leon ay ‘Best Nationalistic/Patriotic Song’ kung saan pareho silang tumanggap ng karagdagang P5,000

Ang iba pang kalahok na tumanggap ng P5,000 consolation prize at sertipiko ay sina Trisha Mae Mariano ng Guiguinto, Franceska Micole LLagas ng Pandi at Kelvin Silvestre ng San Ildefonso.

Binati ni Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado ang mga nagsipagwagi at hinikayat ang iba pang  Bulakenyo na ipamalas ang kanilang angking husay sa iba’t ibang talento.

“Mabuhay kayong mga patuloy na bumubuhay sa mga kundimang awitin na bahagi ng kasaysayan at kultura ng pagiging isang Bulakenyo. Nawa ay mas marami pa ang magpamalas ng kanilang husay hindi lamang sa pagkanta ngunit maging sa iba pang talento,” ani Alvarado.

Magkatuwang na naisakatuparan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office at ng Association of Tourism Officers of Bulacan ang nasabing paligsahan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here