Home Showbiz French-Filipino film starring Gloria Diaz, tampok sa Cannes Classics

French-Filipino film starring Gloria Diaz, tampok sa Cannes Classics

145
0
SHARE

ANG restoration ng French-Filipino film na Cinq et la peau (Five and the Skin) starring Gloria Diaz, Bembol Roco, Philip Salvador at Joel Lamangan ay ipapalabas sa Cannes Classics sa ika-71 Cannes Film Festival. Ang buong pelikula ay kinunan sa Pilipinas at itinampok sa Cannes ‘Un Certain Regard 36 taon na ang nakaraan.

Ang Five and the Skin ay tungkol sa kuwento ni Ivan, isang manunulat na nagbalik at nagpalibut-libot sa Maynila upang hanapin ang kanyang sarili.

Ang Direktor ng pelikula na si Pierre Rissien, na binansagang Man ng Cannes ay pumanaw noong nakaraang Mayo 5, 2018 lamang. Siya sana ang magpapakilala ng pelikula sa Cannes Directors ‘Fortnight. Siya ay isang Cannes Adviser, isang maimpluwensyang Cinephile at Cannes Film Scout bago siya namatay.

Si Rissien ay isa ring kilalang tagapagtaguyod ng Philippine Cinema at ang rason kung bakit maraming Pelikulang Pilipino ang nakakasali sa Festival de Cannes, kabilang na ang Insiang ni Lino Brocka. Dumalaw din niya ang Pilipinas upang dumalo sa maraming mga kaganapan ng Film Development Council of the Philippines, ang huling bisita niya ay nangyari noong World Premiere Film Festival taong 2016. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here