Home Showbiz Friend ni Kris Aquino na si Atty. Gideon Peña, look-alike ni James...

Friend ni Kris Aquino na si Atty. Gideon Peña, look-alike ni James Yap

237
0
SHARE

ESCORT ni Kris Aquino ang good-looking atorni na si Atty. Gideon Peña sa premiere night ng comeback movie niya na I Love You, Hater with Joshua Garcia at Julia Barretto.

Ibig bang sabihin ay ito ang hudyat ng “closure” nila ni Quezon City Mayor Herbert Bautista? Anyway, whatever it is, masaya ang aura ng mukha ni Kris that night.

Pero nang tanungin siya ng press people, sagot lang niya ay “We’re just good friends.” Pinagdiinan niyang hindi niya ka-date ang young atorni.
Ayon pa sa Queen of All Media, kliyente raw siya ni Atty. Pena. “I guess ano, I’m a client because he’s handling some of the work already for some of my brands.”

Na-link si Kris sa atorni nang mag-guest ang huli sa kanyang online show na Unscripted With Kris. Trending ang appearance ni Atty. Pena sa social media ni Krizzy kaya naman tinutukso na siya ng kanyang followers.

Papano ba naman na hindi bibigyan ng kulay ng netizens ang bagong friendship nila, e last Juy 7 lang nag-posts si Kris sa kanyang Instagram ng thank you message sa atorni.

Pasasalamat sa pagiging “genuine concern, friendship, respect, and trust” na ipinapakita sa kanya ni Atty. Pena. Nagpost rin ang abogado ng “True #friends don’t leave even in the darkest of times.”

Samantala, naagaw-pansin kami sa picture ni Atty. Peña. Kahit saang anggulo may hawig siya sa ex-husband ni Kris na si James Yap. Maging ang tindig ng PBA-cager ay kuha rin ni Atty. Pena.

Napansin din kaya ni Kris na ang bagong friend niya ngayon ay may similarity sa kanyang ex? Just asking lang po! (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBulacan PPO, among top 3 best PPO nationwide
Next articleAnne Curtis, nasuka sa kanyang pelikula
BETH Gelena was formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section for almost two decades under former Julie Fe Navarro. Until she decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become a freelance and full pledged showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here