Home Showbiz Gab Valenciano may Bipolar Disorder

Gab Valenciano may Bipolar Disorder

141
0
SHARE

SIX days ding namalagi sa ospital ang anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan na si Gab Valenciano.

Sa IG account ni Gab six days siyang na-confine at nadischarge siya last October 29 ay ibinahagi niya sa kanyang mga followers ang mga pangyayari ng siya ay naospital.

Post ni Gab: “Alive to fight another day, alive in every single way.”

“Here’s a thumbs up to all those fighting these invisible wars on a daily basis, and to those who support our cause. We are all subject to mental vulnerability, no exemptions,” pagbabahagi niya sa kanyang nararamdaman.

Sinabi rin ni Gab kung gaano kaimportante sa mga may mental health problems na sila ay naiintindihan ng mga tao.

“To understand mental health you must try to understand people on a different level, which is close to impossible as we are all made differently.”

Pinasalamatan ni Gab ang kanyang parents na laging nasa kanyang tabi while he was suffering from mental health-related concerns.

Tawag niya sa mga magulang ay “pillars of peace, love and strength.”

“I know it’s not easy having a son with my condition, but one call and you both are there,” lahad pa ni Gab.

Si Gab ay na-diagnosed na may bipolar disorder dalawang taon na ang nakararaan.

Nalaman ito ng publiko ng mainterbyu ang kanyang kapatid na si Paolo ng isang online site kamakailan lang. Inamin naman ni Gab sa isang televised interview ni Christine Jacob via CNN Philippines recently that he indeed has the condition, aside from clinical depression.

Payo ni Gab sa mga may mga mental health condition na komunsulta sa mental health specialists para hindi magkaroon ng stigma at agad malunasan sa tulong ng mga professional specialists.

Maraming netizens ang nagsasabi kay Gab na ‘You’re not alone!’ (RONDA BALITA Online)

SHARE
Previous articleDerek Ramsay nila-like ang picture ni Angelica
Next articleProvince of Bulacan, 8 towns, 2 cities receive seal of good local governance
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here