Home National News Gabby Concepcion inireklamo ng kapatid ng falsification of public documents

Gabby Concepcion inireklamo ng kapatid ng falsification of public documents

47
0
SHARE

NAHAHARAP ngayon sa kasong falsification of public documents ang dating matinee idol na si Gabby Concepcion. Ang nagsampa ng reklamo laban sa aktor ay ang nakababata niyang kapatid na si Miguel Concepcion.

Batay sa ulat ng SunStar, kinukuwestiyon ni Miguel ang Deed of Absolute Sale na naglilipat ng titulo ng lote na pag-aari ng kanilang ina na si Ma. Lourdes Arellano Concepcion sa pangalan ni Gabby. Ang nasabing lote na may sukat na 800 square meters ay matatagpuan sa 3736 P. Guevarra St. in Barangay Addition Hills sa San Juan City at kasalukuyang nirerentahan ng isang paaralan.

Sa nasabing dokumento, nabili umano ni Gabby ang lote ng ina sa halagang P4.45 million.

Nalaman lang ng nakababatang Concepcion ang nasabing bentahan dalawang buwan pa lamang ang nakararaan; noong umuwi siya rito sa bansa mula sa Amerika. Humingi ng ayuda si Miguel sa Criminal Investigation and Detective Group-National Capital Region (CIDG-NCR) matapos umanong balewalain ng aktor ang meeting na hinihingi niya upang mabigyan ng linaw ang isyu.

“I kept asking him for a meeting to clear things up but he ignored all my requests. So I’m resorting into this action to correct what is wrong,” sabi ni Miguel sa panayam sa kanya ng mga reporters.

Sa kanyang complaint-affidavit, sinabi ni Miguel na hindi maaaring mapirmahan ng kanilang ina ang Deed of Absolute Sale o humarap sa Notary Public dahil nasa Amerika ito noong na-notarize ang nasabing dokumento noong March 16, 2013.

Sinabi pa ng nakababatang kapatid ni Gabby na bagama’t taga-San Juan City ang mga signatories sa dokumento ay sa Tagaytay umano nangyari ang pagnotaryo na ginawa ng isang lawyer na hindi nakalista sa registry of attorneys of the Integrated Bar of the Philippines.

Noong nakaraang linggo ay humarap ang kampo ni Miguel sa tanggapan ng CIDG-NCR at isinumite ang kopya ng passport ng kanilang ina na nagpapakita ng pag-alis at pagdating nito sa bansa.

Ayon kay CIDG-NCR chief Tom Ibay, nangangalap pa siya ng mga dokumento ng kaso bago niya imbitahan si Gabby Concepcion para kunin ang panig nito.

Source: Filipino Balita

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here