Gabby, ’wag mo nang pahabain pa ang isyu sa mag-inang Sharon at KC

0
60

MAY mga nagtatanong kung kanino raw pinatutungkol ni Gabby Concepcion ang bago niyang post sa kanyang social media account.

“Avoid people who mess with your head, People who say things to upset you. People who want you to make them a priority, but won’t do the same for you. People who don’t apologize. You don’t need this kind of people. Avoid them.”

Very obvious na para sa anak niyang si KC ang nasabing mensahe.

Dahil sa ibaba ay may cryptic word pa siyang sinabi, ‘You’ve doin’ a good job. Keep it up!’

At ang linyang nagmula kay Kristen Becker, “Hate nothing and no one, no matter how much they have wronged you. You give energy to what you focus on.”

Tama lang ang tinuran ng Kapuso actor dahil sa ngayon si KC ay nagko-concentrate na naman sa pansamantala niyang iniwan na showbiz career.

Ayon sa mga netizens tyak daw na may isasagot na naman si Sharon Cuneta sa post ng ex-husband.

Ang iba ay nagsasabi namang dapat daw ay tigilan na rin ni Gabby ang mga mensaheng may mga kahulugan.

‘Wag na raw niyang dagdagan pa ang ‘away’ ng mag-ina. “Stop adding FUEL to FIRE, Mr. Concepcion,” ani ng isang netizen.

Dapat daw ay wala siyang kinikilingan. Kundi maging daan para tulungang magka-ayos na ang mag-ina.

Hanggang kalian kaya magtatapos ang sigalot ng mag-inang Sharon at KC.

At sa parte ni Gabby, sana raw ay tigilan na rin niya ang pagpost ng mga kasabihan.

Sigurado raw na never ending ang mangyayari kung patuloy silang magpapatutsadahan.

Lumalabas daw na nagiging pakialamero at patolero na ang Kapuso actor. “What a shame. Pinapaaway pa ‘yong dalawa,” sambit nga ng commenter.

Ayon naman sa isang netizen, kung tutuusin naman ay ‘worst father’ din daw si Gabby. Nasaan daw ba siya nu’ng youth days ni KC? (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here