Gamitin natin ang ating kalayaan sa isip, sa salita at sa gawa

0
389

TUWING sumasapit ang ika-12 ng Hunyo ng bawat taon, ay palagian ng ginugunita at ipinag-diriwang nating mga Pilipino ang anibersaryo ng “Araw ng Kalayaan”, kung saan tayo ngayon ay nasa ika- 120 taon ng malaya mula sa kamay ng mga dayuhang kastila na umalipin sa ating banasa ng mahigit sa 400 na taon.

Bagamat sa mga kuwento na lamang marahil natin binubuhay ang mga nagdaang kasaysayan ng mga kabayanihang ipinakita ng ating mga matatapang na ninuno na hindi natakot na harapin ang kanilang kamatayan, ay parang nararamdaman pa rin natin ang hirap na kanilang pinagdaanan sa pakikipaglaban makamit lamang ng ating bayan ang sinasabing kalayaan na siyang nagsilbing pamana nila sa ating mga Pilipino..

Maraming salamat sa kanilang mga buhay na inihandog para sa ating kalayaan, pero bilang isang mamamayang Pilipino, ikaw…alam mo ba kung papaano mo gagamitan ang kalayaang ito sa iyong kasalukuyang pamumuhay.

Tayo bilang mga Pilipino ay responsibilidad natin na ingatan ang kalayaang ito para sa kapakanan ating kapwa, ng ating kapaligiran at ng ating kalikasan.

Katulad ng ginawa ng ating mga bayani, ang ating pakikipaglaban ay hindi pa rin nagwawakas sa mga mananakop na dayuhan, dahil patuloy pa rin tayong nakikipaglaban sa ibat ibang mukha ng kahirapang salat sa tunay na pamumuhay.

Patuloy pa rin tayong nakikipaglaban sa mga sumisira ng ating kalikasan, ng ating mga kapaligiran, sa mga kalamidad at pananamantala ng ilang mga naunungkulan sa pamahalaan bilang mga ordinaryong mamamayan.

Bagamat mahirap na makamit ang tunay na kalayaan, kailangan pa ring magpatuloy ang takbo ng pamumuhay nating mga Pilipino sa kahit anumang kaparaanan upang hindi masayang ang ipinamana sa ating kalayaan

Sana gamitin natin ang kalayaang ito sa tamang paraan, sa pamamagitan ng ating isip, ng ating mga salita at ng ating gawa, bilang isang Pilipinong marangal at maipagmamalaki.

Huwag nating sayangin ang ipinamanang kalayaan ng ating mga ninunong nag-alay ng kanilang dugo para sa iyo, sa kanila at para sa ating lahat

Isang maligaya at mapagpalang pagdiriwang ng mga Bulakenyo sa ika-120 guning taong anibersaryo ng araw ng ating kalayaan. GOD Bless po sa ating lahat…

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here