Ganap na kaunlaran ng LSJDM, pinupursige

0
130
Opinion Column ni Vic  Billones lll

TALAGANG hanggang ngayon Bagong Taon, ang mga San Josenios sa pangunguna ng mag-asawang sina Mayor Arthur at Congw Rida Robes ng Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, ay patuloy na nagsasaya sa karangalang kanilang natamo, na maging Guinness World Record Holder ng ‘Most Living Figures in a Nativity Scene,” kamakailan.

Tsk! Tsk! Tsk! . Maraming sorpresang magaganda ang bumubulaga sa mga San Josenios, tulad ng sa Guinness World Records. ‘Very proud’ ang mga mamamayan ng LSJDM. Nitong nakalipas na taon 2019, ay madami din karangalan ang nakamit ng LSJDM. At tila madami at patuloy pa na kumikilos ang Pamahalaang Lungsod na mailunsad ng ganap ang kaunlaran sa naturang Lungsod. Subaybayan pa natin.

*****

Nitong nakaraang araw ay ibinalita natin sa ‘social media’ ang napaslang na ihinyero ng kanyang kainuman. Basahin po natin: Inhinyero nakipag-inuman sa kapitbahay, sinuntok, hinampas ng bote sa ulo at ng mabuwal ay nabagok ang ulo sa isang matigas na bagay, na kanyang ikinawalang malay-tao. Isinugod sa malapit na Ospital, at doon ay nabawian ng buhay. Ang insidente ay nangyari sa lugar ng Igay, Barangay Sto Cristo, Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,) Bulacan, kamakailan.

Ang napatay ay nakilala na si Engr. Elmer Toledo, habang ang kanyang kapitbahay na kainuman ay nakilala lamang sa kanyang alyas na “Campit,” isang tekniko. Batay sa ulat ni dating Konsehal Rene Avellanosa ng LSJDM, ang magkapitbahay ay nagkainuman, hapon ng biyernes, matapos ang Pasko.

Nang kapwa malasing ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo. Nakita ng mga saksi na inundayan ni Campit ng suntok ang inhinyero, at hindi pa nasiyahan ay dumampot pa ito ng bote, na kanyang inihampas sa ulo ng biktima, na ikinalugmok nito at ikinabagok ang ulo sa isang matigas na bagay.

Sa pangyayaring iyun ay nagawa pang maisugod ng mga naksaksi ang biktima sa Grace General Hospital, subalit pagsapit ng alas-diyes ng gabi ay binawian ito ng buhay. Agad naman nahuli ng pulisya ang salarin na si Campit, dahil na rin sa maagap na aksyon at tulong ng mag-asawang Rene at Kagawad Maryann Avellanosa.

Tsk! Tsk! Tsk! Batid po ba ninyo na minsan ay nakaharap ko na din ang biktima, isa siyang maginoo, palangiti at magalang. Nakapanghihinayang na dagling mawala sa mundo ang isang tulad ni Engr. Toledo.

Kaya kapag tayo ay makikipaginuman, ay kilalanin natin maige ang ating kaharap, ng sa gayun ay makaiwas tayo sa anumang problema. Uminom lamang ng kainaman at huwag magpaka- sagad.

Ika nga nila, ilagay sa t’yan at huwag sa ulo. Sa inuman iwasan ang mga birong personal at nakaiirita, ugaliin ang tuwina ang disiplina sa harapan. Alalahanin na sa harapan ang bidahan ay hindi maiiwasan, may mayabang ang dating at may maharot, kung hindi ninyo tanggap ang pananaw sa isang usapin ng isang kainuman ay manatiling tahimik at umiwas sa pakikipagtalo, at kung sa tingin ninyo na nagiging mainit na ang usapan ay magalang na magpaalam sa harapan.

Ang pagtalilis sa harapan ay hudyat ng pag-iwas sa mainitang pagtatalo, o nakaambang sigalot. Heto ang mas mainam, huwag na kayong uminom ng anumang nakalalasing na likido. Iwasan ang alak!

Narito po ang ating email: billones@ralo.org (RONDA BALITA Online)

 

Previous articleMaligayang Pasko at Manigong Bagong Taon 2020
Next articleAngel Locsin, itinalagang anti-piracy ambassador
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here