‘Ganti’ ng Maute, binabantayan ng NCRPO

0
393

HIGIT pang pinaigting ngayon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang kanilang Intelligence operations, upang mapigilan ang anumang maaaring gawing pag-atake ng ilan pang kasapi ng Maute Terrorist Group sa Metro Manila, kasunod ng pagkakapatay sa dalawa nitong lider na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon noong lunes.

NCRPO chief Director Oscar Albayalde 

Ayon kay NCRPO chief Director Oscar Albayalde na wala pa naman silang natatanggap o namo-monitor na natatanggap sa kanilang opisina ukol sa presensya ng Maute group members na posibleng gumawa ng paghahasik ng kaguluhan sa Metro Manila, maliban sa nakakulong sa Camp Bagong Diwa at ilang kamag-anakan ng dalawang lider na nasawi na pawang mga vendors at maayos lamang na namumuhay sa bansa.

Dagdag pa ni Albayalde na patuloy rin aniya ang kanilang koordinasyon sa military at National Intelligence Coordinating Council para sa intelligence-gathering upang mapigilan ang anumang bantang pag-atake sa metro manila at karating bayan at lungsod sa mga lalawigan

Samanatala, sa lungsod ng maynila mahigit sa 1000 pulis na ang ipinakalat ng Manila Police District o MPD  na nakalatag sa mga Malls, Simbahan, Paaralan, Terminal at LRT na pawang mga matataong lugar.

Nakatutok na rin ang mga tauhan ng NCRPO para sa siguridad na ibibigay sa mga delagado na dadalo sa ASIAN summit habang nakaalalay naman ang tropa ng Philippine Coast Guard at Regional Maritime Unit-NCR sa pamumuno ni Sr. Supt. Baltazar Rivera para naman bantayan ang Manila de Bay.

Nabatid pa kay General Albayalde na patuloy rin silang nakamonitor at nakatutok sa nalalapit na  Association of Southeast Asian Nations nitong darating na November 16, 2017 na gaganapin dito sa bansa.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here