Gari Escobar gustong makatulong sa music industry

0
136

UNTI-UNTING gumagawa ng pangalan sa music industry ang aspiring singer na si Gari Escobar.

Kahit baguhan lang siya sa larangan ng musika ay pumailanlang ang kanyang awiting Baguio dahil sa kakaibang niyang style sa pagkanta.

Performance level hindi nagpapahuli ang baguhang singer.

Katunayan nominado bilang Best New Male Artist para sa PMPC Star Awards for Music ang aspiring singer.

Ipinagmamalaki ni Gari ang kanyang Baguio song dahil siya mismo ang nagsulat ng lyrics.

Tagos sa puso ang mga letrang nakapaloob sa kanta. Lalung-lalo na ang mga millenials.

Ayon kay Gari marami siyang nakatagong mga likhang kanta. Pero may agam-agam siyang ilabas dahil natatakot siyang baka hindi magustuhan ng mga music lovers.

Pero, sadyang mahal daw niya ang industriya kaya nagkaroon na siya ng self-confidence.

Ibig niyang makatulong kaya sa abot ng kanyang makakaya ay gumagawa siya ng paraan na may maiambag sa musika.

Inilabas na ni Gari ang self-titled album “Gari Escobar” na pawang OPM songs ang nilalaman.

Mapapakinggan ang kanyang mga awitin sa Spotify — “Baguio,” “Tama Na,” “Ayoko Na Sa ‘Yo” atbp. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here