General Val De Leon in, Gen. Rhodel Sermonia out

0
158

MAGKAKLASE, magka-Mistah sa Philippine Military Academy (PMA) Makatao Class of 1989.

Parehong may ranggong Brigadier General, pormal ng isinalin ni Brigadier General Rhodel O. Sermonia kay Brigadier General Valeriano T. De Leon ang pamumuno sa Philippine National Police Office Region 3 bilang bago nitong Regional Director ng PRO-3.

Sa isang simpleng seremonya na ginanap sa Makatao activitity center sa Camp Olivas Pampanga, personal na sinaksihan ni PNP Director General Camilo P. Cascolan ang pagsasalin ng Watawat ni Sermonia kay De Leon bilang tanda ng pagsasalin ng katungkulan nito sa bagong RD ng PRO-3.

Si Gen. De Leon, bago naitalagang pinuno ng PRO-3 ay nanungkulan bilang Deputy Director ng Human Resource Doctrine and Development sa PNP National Headquarters sa Camp Crame.

Naging Hepe din si Ge. De Leon ng PNP Firearms and Explosive Office bago siya naitalagang Regional Director ng PRO-7 (Central Visayas) noong October 2019 hanggang early February ng 2020.

Hindi ko na matandaan kung anong taon naging Provincial Officer si Gen. De Leon ng Bulacan Criminal Investigation and Detection Group (BUL-CIDG), pero ang hindi ko makakalimutan ay kung makailang beses ko din nakapanayam ang bagong PRO-3 Chief noong siya ay nasa Bulacan pa, hindi ko lang alam kung natatandaan pa ako ni Gen. De Leon, hoping na tanda pa niya ako.

Si Gen. Sermonia ay babalik sa PNP Camp Crame para pamunuan ang Police Community Relations Office.

Sa pag-upo ni De Leon bilang Regional Director ng PRO-3, pamumunuan niya ang kapulisan sa 7 probinsiya sa Central Luzon, kabilang ang lalawigan ng Aurora, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac at Zambales.

Si De Leon ang isa sa nakilala kong mahusay at magaling na opisyal ng PNP. Hindi mahirap pakibagayan ang ugali ni Gen. De Leon. Malapit siya sa kapwa ko mamamahayag at kailanman ay palaging nagpapaunlak ng panayam sa media.

Mahusay na sundalo, may dedikasyon sa kanyang sinumpaang tungkulin bilang tagapagtanggol ng bandila ng Pilipinas, matalino, may angking katapangan subalit may kababaang loob, yan si Gen. Valeriano T. De Leon ang bagong Regional Director ng PRO-3.

Abangan natin ang mga proyektong ipatutupad ni Gen. De Leon sa buong Central Luzon higit sa lalawigan ng Bulacan. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here