Home Showbiz Geneva Cruz may show sa Josephine’s Restaurant sa CA, USA

Geneva Cruz may show sa Josephine’s Restaurant sa CA, USA

520
1
SHARE

MATAGAL ng naninirahan sa Amerika ang singer na si Geneva Cruz. Ayon sa aming kaibigan na former sexy actress na si Vilma Vitug a.k.a. Double V na nag-e-enjoy si Geneva dahil sa dami ng raket.

Sa pagcha-chat namin ni Vilma, sinabi niyang na-meet niya ang singer 2015. Si Vilma ay dating sexy actress nu’ng 1980. Hindi siya gaanong nagtagal sa showbiz dahil agad na nag-migrate sa Amerika.

Mrs. Vilma Jennings na siya ngayon kung saan ang business nila ay car dealer. Aside from that, dahil nami-miss niya ang showbiz kaya nagtayo siya ng production, ang Vilma Vitug International Productions.

Walang idea si Double V na kumakanta si Geneva, that’s why she’s asking me if she’s good. “Sabi ko, Geneva was a good singer. She’s undergo training under the helm of Maestro Ryan Cayabyab. Isa siya sa grupo noon ng Smokey Mountain kung saan naging big hit ang kanta nilang Anak Ng Pasig, Paraiso, etc. Hindi iniwan ni Geneva ang kanyang singing career nu’ng nagkawatak-watak na ang Smokey Mountain. From then on ay nag-solo na si Geneva at left and right na ang kanyang shows dito sa Pinas.”

Hindi nagdalawang isip si Vilma na ipag-produce si Geneva ng isang show dahil nalaman rin niya na ang daming gigs ng singer sa Amerika. Bale second time na ang pagpo-produce ng former sexy actress ng show. Nu’ng una ay sina Lirio Vital at iba pang singers na naka-base sa U.S. ang nagtanghal at super hit ito.

This time Vilma is producing another concert kung saan si Geneva ang kanyang artist. Ang show titled VV Productions Presents… LIVE Geneva Cruz sa October 14. Sunday, 8 p.m. Gaganapin ito sa Josephine’s Restaurant, 11305 183rd St., Certitos, CA 90703. On stage with Ms. Cruz is Lally Parcon and the great band. Ang price tickets ay $50 para sa VIP at $35 sa general admission. For tickets info, call (310) 8542619, (310) 500-6650 at (747) 251-8629.

Fabulous food, awesome music and great company!!! This concert is a “must see” event. Para sa ating mga kababayan out there, come and support our great Pinay singer, Ms. Geneva Cruz sa October 14. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleMga Bocawenyo, nakibahagi sa EMB ‘Refill Revolution’
Next articleNFA’s “Tagpuan Day” starts delivering cheap rice to resettlement areas
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

1 COMMENT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here