Getaway car na ginamit sa ambush, narekober ng La Union-PNP

0
227

LA UNION — Mahigpit na binabantayan ngayon ng La Union Police ang narekobre nilang sasakyan nu’ngMartes (Nov. 14) sa San Juan sa nasabing probinsya na pinaniniwalaang ginamit ng mga nang-ambush kina Balaoan Mayor Aleli Concepcion at ang ama nitong si Vice-Mayor Alfred Concepcion.

Sa panayam ng media kay C/Insp. Silverio Ordinado Jr., Information Officer ng La Union Police Provinial Office (LUPPO), isang Toyota RAV 4, kulay gray, at walang plate number ang nakuha nila sa Brgy. Nadsaag, San Juan matapos na abandonahin ng mga suspek.

Ayon kay Ordinario, ang natagpuang sasakyan ay katulad na katulad sa mga ibinigay na deskripsyon sa kanila ng mga ilang nakakita sa sasakyan na ginamit ng mga killer nung mangyari ang insidente.

Sinabi ni Ordinario na malaki ang maitutulong ng narekobreng sasakyan para sa isinasagawang imbestigasyon sa naturang kaso.

Ang convoy nina Mayor Aleli Concepion at Vice Mayor Alfred Concepcion ay inambush bandang 8:10 a.m. kahapon sa Brgy. Cabuaan, Balaoan, La Union habang nasa daan sila papuntang munisipyo.

Napatay sa naturang insidente ang bise-alkalde at ang security escort nitong si Mike Ulep habang sugatan naman ang alkalde na ngayon ay nasa mabuti nang lagay sa Lorma Medical Center sa lungsod ng San Fernando. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here