Home Bulacan Local News Ginang na nanguha ng sanggol sa ospital, arestado sa Santa Maria

Ginang na nanguha ng sanggol sa ospital, arestado sa Santa Maria

182
0
SHARE

SANTA MARIA, Bulacan — Arestado ang isang 33 anyos na ginang matapos nitong dukutin ang isang sanggol sa isang pampublikong ospital sa nasabing bayan kamakalawa.

Kinilala ng Santa Maria police ang suspek na si Ma. Sherlyn Salac, tubong Hagonoy at residente ng Philcoa, Brgy. Silangan, Cubao, Quezon City.

Ang suspek ay nahuli ng guwardiya ng Rogaciano Memorial Hospital matapos na ireklamo ng ina ng sanggol na nakilalang si Christine Lovilla Campaña, 39-anyos, residente ng Sitio Lote, Brgy. Guyong, Santa Maria nang damputin ng suspek ang kanyang bagong silang na sanggol nitong Lunes.

Ayon sa ulat, nag-CR lamang umano ang ina ng sanggol at iniwan sa ward ang anak ngunit pagbalik niya ay wala na doon ang kanyang anak.

Nang kanyang hanapin ay hawak-hawak na ito ng suspek at naglalakad na papalayo.

Agad siyang siyang humingi ng tulong sa guwardya ng ospital at agad na nadakip ang suspek at nabawi ang bata.

Ayon kay P/Cpl. John Carlo Clemente, officer on case, itinawag sa kanilang tanggapan ang tungkol sa insidente na agad nilang nirespondehan at nakita ang suspek papalabas na ospital.

Posible umanong kasapi ng sindikato ang suspek dahil may mga dala na itong gamit at pagkain ng sanggol para sa pagbyahe nito.

Sinabi ni Clemente na may kontak ang suspek na Hapon sa Laguna at posibleng doon ibinibenta ang sanggol.

Nang makapanayam ng news team ang suspek ay tila parang wala ito sa sarili at paiba-iba ito ng sagot sa mga tanong.

Tumanggi naman ng magpaunlak ng interview ang ina ng bata. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here