Home Bulacan Local News Ginang, nagtitinda ng ‘sulit meals’ sa halagang P5 sa Bulacan

Ginang, nagtitinda ng ‘sulit meals’ sa halagang P5 sa Bulacan

64
0
SHARE

MEYCAUAYAN CITY, Bulacan — Bumaha ng positive reactions sa mga netizen ang isang ginang na nagtitinda ng mga abot kayang pagkain sa mga estudyante dito sa naturang lungsod.

Kinilala ang ginang na si Nanay Mel na nagbebenta ng sulit meals na sampung piso lamang.

Ang kada pakete ng ulam ay mabibili sa halagang limang piso tulad ng tinolang manok, bopis, kare-kare, menudo, at iba pa.

Mayroon din siyang itinitinda na sinangag na may hiwa ng mga hotdog sa presyong limang piso na tinatawag na Nanay Mel’s ‘chao fan’.

Ang ‘chao fan’ ay inihalintulad sa recipe menu ng isang sikat na Chinese fastfood chain sa bansa.

Ayon kay Nanay Mel, gusto lamang niya makatulong sa mga estudyante na wala halos baon sa pagpasok sa eskwelahan kaya’t naisipan niya ang ganitong ideya.

Nagbebenta rin siya ng streetfood tulad ng fishball, kwek-kwek, cheese sticks, kikiam at iba pa.

Source: RadyoMaN Manila

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here