Home Business Globe Asiatique founder Delfin Lee, nakalaya na

Globe Asiatique founder Delfin Lee, nakalaya na

95
0
SHARE

PAMPANGA — Pansamantalang nakalaya ang kontrobersyal na founder ng Globe Asiatique na si Delfin Lee matapos itong magpiyansa nu’ng Miyerkules.
Matatandaang nagbaba ang Korte Suprema ng desisyon sa naging kasong syndicated estafa laban sa kontrobersiyal na negosyante.

Ayon sa Korte Suprema, mula sa kasong syndicated estafa ay naging simple estafa na lamang ito na isang bailable offense.

Nakaladkad ang pangalan ni Lee dahil sa ma-anomalyang P6.6 billion Xevera Housing Project sa Pampanga.

Nauna nang kinuwestiyon ng Department of Justice (DoJ) ang ipinalabas na desisyon ng Court of Appeals (CA) Special 15th Division noong November 7, 2013, na pumipigil sa mababang hukuman sa Pampanga na ipagpatuloy ang pagdinig sa kasong kriminal laban kay Lee at pinawalang bisa rin ng CA ang ipinalabas na arrest warrant ng mababang hukuman laban kay Lee.

Nag-ugat ang kaso laban kay Lee dahil sa mahigit P6 billion pautang na inaprubahan ng Pag-ibig Fund para sa umano’y mga bumili ng bahay sa housing project ng Globe Asiatique sa Mabalacat, Pampanga, pero natuklasan ng Pag-ibig Fund na ang mga ito ay pawang mga “ghost borrower”.

Sa isinampang reklamong ng DoJ sa korte sa Pampanga, 5 ang orihinal na akusado pero sa dalawang magkahiwalay na desisyon ng CA, inabsuwelto nito ang dalawang akusado na sina Atty. Alex Alvarez, dating abugado ng Pag-Ibig fund at hepe ng Foreclosure Department at Christina Sagun na dating hepe ng Globe Asiatique Documentation Department. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBSP: Central Luzon Economy maintains strength at 9.3% GDP
Next articleNCRPO on Drew Olivar’s case
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin Editor-in-Chief An ex-seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City, and graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the Aquinas University of Legaspi City. But landed in Journalism. A former Journal Group of Pub lication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) PT staffer for 17 years, simultaneously contributed to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group provincial correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here