Home Showbiz ‘Gloria Alcantara,’ malaki ang binago mo sa buhay ko — Sylvia Sanchez

‘Gloria Alcantara,’ malaki ang binago mo sa buhay ko — Sylvia Sanchez

340
0
SHARE

SI Sylvia Sanchez ang choice ng PEP para sa Teleserye Actress of the Year. Napanalunan niya bilang si Gloria sa The Greatest Love. Napakagaling naman kasi ni Sylvia sa papel na Gloria na may Aizheimer’s disease at deserving siyang manalo.

Ani Sylvia nang tanggapin ang tropeo:  “Alam niyo po, masarap yung pakiramdam na mapansin kami, yung hirap namin, yung hirap ko bilang si Gloria — masarap sa pakiramdam. Pero ito, mas masarap po ito, bonus din po ito! Kaya maraming-maraming salamat sa lahat ng naniniwala sa pag-portray ko bilang Gloria.”

Nagpapasalamat rin si Ibyang sa lahat ng mga suporta sa TGL, Nang dahil raw sa napakagandang teleserye na ipinagkatiwala sa kanya ng Kapamilya network ay lalo raw nakilala ang isang Sylvia Sanchez sa showbiz. Katunayan kaliwa’t kanan ngayon ang projects na kanyang ginagawa.

“Basta ako, isa lang masasabi ko, ibang klase ka, Gloria. Malaki ang binago mo sa buhay ko. salamat, Gloria Alcantara,” sambit pa ng mahusay na actress. Siyempre, walang katapusan rin ang pasasalamat ni Ibyang sa kanyang buong pamilya lalung-lalo na sa asawa niyang very supportive sa kanyang career noon at magpahanggang ngayon, si Papa Art (Atayde).

After ng TGL ay muli na namang gagawa ng teleserye ang aktres sa Kapamilya Network. Katunayan ay nagti-taping na sila kung saan makakasama niya ang anak na si Arjo Atayde. Wala pang title ang naturang teleserye, pero excited ang mag-ina tuwing magti-taping sila.

May pelikula rin siyang sinu-shoot na ngayon under Cinema One.

Samantala, nakunan rin ng pahayag ang PEP Teleserye Actress of the Year hinggil sa pakikipagrelasyon ng kanilang anak ni Papa Art, particular na si Arjo.

Ani Sylvia: “Bilang isang magulang, ipinagmamalaki ko na maayos ang pagpapalaki namin ni  Art   sa aming mga anak. Isa lang ang masasabi ko, ito lang, masuwerte ang mapapangasawa ng mga anak ko. Mayabang ako diyan dahil alam ko ang ginagawa namin para sa mga anak namin.”

Isa lang raw ang hinihiling niya na akyatan sila ni Papa Art ng mabait at matinong mapapangasawa.

“Sikat man o hindi, I don’t care. Basta respectful, mabait, mahal kami, yun lang ang importante akin. Importante kasi sa akin ang pamilya.”

Habilin rin ni Sylvia sa mga anak na celebrities na sina Ria at Arjo na huwag paghaluin ang love life at showbiz career.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here