Gob. Fernando, hinamon si Prov’l Engr. Glenn Reyes sa ‘Pabilisan Challenge’

0
266

UPANG higit na mapigilan ang paglaganap ng coronanavirus disease o CoOVID-19 sa Lalawigan ng Bulacan ay ninais ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando at Bise Gobernador Willy Sy-Alvarado na maitayo ang Molecular Laboratory o testing center at GeneXpert Laboratory ng Bulacan Medical Center.

Ang dalawang nabanggit na laboratoryo ang siyang susugpo sa sa patuloy na paglobo ng mga may kaso ng naturang virus.

Kaya agad na hinamon ni Gob. Daniel si Engr. Glenn Reyes sa “mabilisan challenge!” na maitayo at kailangan na matapos ang mga nabanggit na laboratoryo sa loob lamang ng isang buwan. Ang paghahamon na ito ay agad namang hinarap ni Engr. Glenn at kanila nga itong napagtagumpayan.

Ayon kay Gob. Daniel ang GeneXpert ay makatutulong upang mapabilis ang proseso sa pagsusuri ng sample ng mga pasyenteng probable suspect sa sakit na COVID-19. At madali na ring matutukoy kung sino ang mga positibo sa nasabing sakit at sa loob lamang ng 45 minutes ay malalaman na ang resulta kung positibo o negatibo ang isang pasyente at magiging epektibo ang pagsasagawa ng contact tracing.

Ang molecular laboratory o testing center facility naman ay para makita at agarang magamot ang mapaminsalang virus sa mga pamayanan sa lalawigan upang hindi na tayo lalabas pa ng Bulacan at makipagsisiksikan pa sa ibang lugar.

Patuloy pa rin ang pagdami ng mga apektado ng COVID-19 at wala nang lugar sa Bulacan ang coronavirus-free pa.

Kaya tuluy-tuloy ang pag-iisip ang Pamahalaang Panlalawigan ng mga prgramang makapagbibigay ng agarang solusyon sa nararanasan nating pandemya.

Sa kabila nito ay ibayong pag iingat at disiplina pa rin ang ating pairalin.

Sundin ang sinasabi ng gobyerno, huwag lumabas kundi rin lang kailangan, palagiang maghugas ng mga kamay, mag suot ng face mask at pairalin ang social distancing o distancia amigo! (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here