Gob. Fernando, muling pinaalalahanan ang mga Bulakenyo sa health protocol

0
219
Ugnayan sa Barangay, an opinion column by Verna Santos

HALOS mag-iisang taon na mula ng pumasok sa ating bansa ang COVID-19 disease na siyang naging dahilan sa pagbagsak sa ekonomiya ng ating bansa maging sa buong mundo.

Matatandaan Marso 12, 2020 ng unang ianunsyo ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pagsuspinde sa lahat ng biyahe sa kapatagan, karagatan at maging sa himpapawid upang mapigilan ang pagdami ng Corona Virus Disease (Covid-19).

At ang nasabing paghihigpit ay nagkabisa na sinimulan noong Ika-15 ng Marso 2020 hanggang Abril 14 at bilang karagdagan sa nasabing pag-iingat maging ang lahat ng mga pagtitipon sa publiko ay ipinagbawal at ang pagsuspinde ng mga klase ay pinalawak hanggang Abril 12, 2020 na sa una ay inakalang duon lamang ang paglimita subalit ito ay tumagal pa hanggang sa taong kasalukuyan.

Kung kaya’t muling na pinapaalalahanan ni Gobernor Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na sundin ang health protocol, ang palagiang pagsasagawa ng minimum health standard na siyang pinakamatibay na depensa sa COVID-19 at patuloy na mag-ingat at huwag itong balewalain.

Mariing ipinapakiuasap ng gobernador sa lahat ang tagubilin ng mga eksperto sa buong mundo para malabanan natin ang nakamamatay na virus, dapat alam natin kung paano ito kokontrahin o lalabanan. Ang COVID-19 ay may dalawang pag-atake, una ay physical contact at pangalawa pagkahawa sa pamamagitan ng droplets.

Pinaigting ang pagpapatupad ng 2020 Revised Implementing Rules And Regulations Or The Mandatory Reporting Of Notifiable Diseases And Health Events Of  Public Health Concern Act. May karampatang kaparusahan at pagmumulta ang sino mang mamamayan na lalabag sa IATF-(Inter Agency Task Force) protocols, gaya ng mga LGUs o Local Government Unit, at mga kapulisan sa pagpapanatili ng seguridad ng publiko. Dahil ang pinaka mabisang depensa para di’ kumalat ang COVID-19 ay ang disiplina ng bawat isa.

“Sampung buwan na ang nakalipas mula ng maitala ang unang kaso ng COVID-19 dito sa ating bansa, sa kabila ng ating pagtugon sa pandemya at hanggang ngayon ay patuloy tayong nakikipaglaban. Sa nagdaang panahon nakamit ng ating lalawigan ang mataas na papuri mula sa pamahalaang nasyunal, ang pinakamababang  rate of infection sa mga probinsya na nakapaligid sa National Capital Region, highest recovery rate na 96%, zero COVID death sa loob ng ilang buwan at ito ang bunga ng ating magandang simulain sa paglaban sa nasabing virus” pahayag ni Gob. Daniel.

At para naman sa kaalaman ng lahat sa sitwasyon natin sa ngayon habang nag-aantay tayo sa bakuna, ay kailangan maampat o mapigil ang muling pagkalat ng COVID-19 na nararanasan natin dahilan ng pagsabay-sabay na paglabas ng mga tao nitong nagdaang Kapaskuhan na siya naman tinututukan sa ngayon ni Gob. Daniel. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here