Home Ok Ka Lang Gobyernong Hapon nagpapatupad ng serbisyong medikal sa katandaan

Gobyernong Hapon nagpapatupad ng serbisyong medikal sa katandaan

105
0
SHARE
Opinion Column by Naneth T. Hirano

KAPAG ang isang matandang mamamayan ng bansang Hapon ay tumuntong na sa edad 75 pataas ay agaran ng inihihinto ang mga medical insurance ng mga ito at inililipat na sa serbisyong medikal ng pamahalaan o Medical Service System for the Elderly People.

Maging ang mga matatandang dayuhan na nabigyan ng Resident Status ng mahigit sa tatlong buwan at rehistradong residente ng bansa ay awtomatikong makakatanggap din ng serbisyong medikal mula sa pamahalaan.

Maaaring sumangguni sa departamento ng serbisyong medikal para sa mga matatanda o (Koki Koureisha Iryo) sa inyong mga munisipyo.

Ang asosasyon o Kouki Rengou na siyang namamahala sa sistemang ito ang siyang magpapadala ng katibayan ng insurance bago pa man dumating ang iyong ika-75 taong kaarawan.

Samantalang ang matatandang ang mga edad ay 65 pataas hanggang edad 74 ay maaari din nilang ma-enjoy ang sistemang ito kung mapapagtibay na mayroon silang pirmihang kapansanan matapos na maipasa ang kanilang mga application.

Makipag-ugnayan lamang sa munisipyong sumasakop sa inyong tirahan at magpunta sa tanggapan ng asosasyong namamahala ng sistema at sa Koki Koureisha.

Ang serbisyong medikal ay nagbibigay ng tulong pinansiyal sa mga matatanda kapag sila ay nagkakasakit para mapababa ang kanilang mga bayarin sa pagpapagamot.

May nakalaan ding Nursing Care ang bansang Hapon para sa mga taong nangangailangan ng pangangalaga dahil sa kanilang mabibigat na mga karamdaman.

Tulad halimbawa ng hindi na nakakaya pang makabangon sa kanilang mga higaan o bedridden, sanhi ng pagka-ulyanin o Dimentia at iba pang uri ng mga karamdaman na nangangailangan ng pangangalaga ay makatatanggap ng tulong mula sa Nursing Care Insurance na nasa ilalim ng pamamahala ng munisipyo na nagsasagawa ng nursing care sa inyong lugar.

Ang mga mamamayan na nasa edad 65 pataas na hindi na nakababangon sa kanyang higaan, matindi na ang pagka – ulyanin ay nangangailangan na ng palagiang nursing care o You Kaigo Joutai!

Pero iimbestigahan at kailangang mapatunayan muna ng mga taga munisipyo na talagang totoo at karapatdapat ka talagang bigyan ng nursing care.

Binibigyan din ng nursing care ang mga taong nangangailangan ng tulong o suporta para sa kanilang pang – araw – araw na gawain sa buhay tulad ng pagbibihis,paliligo, pagkain at iba pa o You Shien Joutai.

Ang Home Help Service ang siyang nagpapadala ng Home Helper para maglinis at tumulong sa mga gawaing bahay, maging sa pag-aalaga ng katawan ng mga pasyente.

Pinapapunta rin ang isang nurse sa bahay ng pasyente para asistihan ang mga ito pagdating sa gamot.

Sa pagpunta sa mga Day Service Center para sa paliligo, pagkain at rehabilitation (theraphy) ay inaasistihan din nila ang mga ito.

Pero ang mga nabanggit na home helper at nurse ay hindi stay-in ang kanilang serbisyo kundi uwian lamang.

Ang pasilidad na nagbibigay ng pangangalaga sa mga matatanda na nahihirapan ng makapamuhay sa kanilang bahay ng walang katulong o suporta ng iba ay ipinapasok na sa Kaigo Roujin Hoken Shisetsu.

Isa itong institusyon na kung saan ay doon isinasagawa ang rehabilitasyon (theraphy), nursing care at lahat ng uri ng serbisyong kinakailangan ng isang matanda na naghahangad pang gumaling at muling makabalik sa kanilang tahanan. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleBulacan Kuyas palalakasin sa 2nd Conference MPBL
Next articleNewspaper Edition: RONDA Balita vol. 4 blg. 09
Neneth Tayao Hirano has over 20 years of experience in broadcast journalism. A graduate of Mass Communication Major in Broadcasting at Far Eastern University. Born October 28, 1955 at Plaridel, Bulacan. She started broadcaster at DWAN 1206, followed at DWGV 792 and then DZXQ 1350. A former publisher of a local newspaper -- TUDLA. And from broadcasting, she became a columnist of local papers in Bulacan, the CMT UPDATES and Bulacan Catcher. Currently, she is RONDA Balita’s columnist based in Japan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here