Home Lady Gaga Gov. Daniel Fernando, The People’s Governor

Gov. Daniel Fernando, The People’s Governor

33
0
SHARE

PORMAL ng nanumpa sa tungkuling ang tinaguriang “The People’s Governor,” na si Hon. Daniel Ramirez Fernando bilang Ama ng Makasaysayang Lalawigan ng Bulacan.

Si Fernando ang pang 35 halal bilang gobernador ng lalawigan. Ayon sa kanyang talumpati kulang po ang aking salita para sa pagpupuri sa Panginoon at pasasalamat sa inyong lahat.

Tinanggap ko ng buong puso at may kababayan loob ang tungkuling kaloob ng Dakilang Dios na pamunuan ng buong sipag at tapat na paglilingkod and dakilang lalawigan ng Bulacan.

Binanggit din ng bagong gobernador ang kanyang “The People’s 10 Agenda” bilang prayoridad na programa sa kanyang pamumuno.

Kung ang dating Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado at kasalukuyang bise-gobernador ay may 7-Point Agenda, ito naman ang bitbit na serbisyo ng bagong Gov. Daniel Fernando, ang kanyang “The People’s 10 Agenda”.

Tahasan binitawan din ni Gov Fernando na hindi sila mag-aaway ng kanyang partner na si Vice Gov. Alvarado, ’ika nga niya “two heads are better than one”.

Aniya, hindi siya mgiging anino at magiging sunud-sunuran lamang. Marunong syang makinig lalo’t sa ikabububuti ang pinag-uusapan. Kami ng Partner ko ay mag-tutulungan para lalong mapaganda ang lalawigan ng Bulacan.

Kasunod nito, sabay-sabay na nanumpa ang mga bagong halal na gobernador ang mga bagong manunungkulan sa iba’t-ibang bayan at lungsod sa Bulacan.

Tuloy pa rin ang ligaya ng mga re-electionists na astig na mayor.

Anu kaya ang gagawin sa isang damakmak na mga tumulong sa nagdaan na eleksyon na pinangakuan ng trabaho? Makapasok kaya ang mga ito o pangangakuan at paasahin lamang. Nagtatanong lamang mga katoto.

Mabuhay ang mga bagong pinuno na manunungkulan sa lalawigan ng Bulacan. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here