Home Simple Lang Gov. Elect Daniel R. Fernando, tagumpay bilang isang public servant

Gov. Elect Daniel R. Fernando, tagumpay bilang isang public servant

27
0
SHARE

HINDI man ganap na naging bida si VG Daniel R. Fernando sa mga ginawa niyang pelikula, ay naging matagumpay naman siya sa napili niyang adbokasiya na paglingkuran ang kanyang mga kababayan na naging daan upang siya ay maging bida sa puso ng mga Bulakenyong patuloy na nagmamahal sa kanya at walang sawang sumusuporta sa kanyang mga naging laban sa mundo ng serbisyo publiko sa mga nakallipas na taon

Isang simpleng Bulakenyo na naging personalidad sa mundo ng pelikulang Pilipino. Isang simpleng lingkod- bayan sa lalawigan ng Bulacan, at higit sa lahat ay isang simpleng mamamayang Bulakenyo.

Ganyan nakilala ng mga Bulakenyo si Vice Gob Daniel, magmula sa pagiging isang simpleng artista na naging SK Chairman noong kanyang kabataaan, naging Board Member ng Sangguniang Panlalawigan ng Bulacan, hanggang sa marating niya ang ikalawang pinakamataas na katungkulan sa buong lalawigan… ang posisyon bilang Bise Gobernador. Pero sa kabila nito ay mababakas pa rin sa kanyang pagkatao ang pagiging isang simpleng mama-mayan na nakahandang maglingkod sa kanyang mga kalalawigan.

Napakamatulungin ni Vice Gob Daniel at simple lang kung siya ay makipag-usap sa kanyang mga kababayan. Wala siyang paligoy-ligoy at higit sa lahat ay magalang siyang makiharap sa mga tao lalo na sa mga nakatatanda dahil wala siyang dalang kayabangan sa kanyang katawan kapag humaharap sa mga tao.

Hindi rin maikakaila sa mga Bulakenyo ang simpleng pamumuhay ng kanilang idolong si VG Daniel, dahil hanggang sa ngayon ay sa bayan pa rin ng Guiguinto siya umu-uwi, na kung iisipin ay kaya na niyang magpatayo ng isang mansiyon sa labas ng Bulacan upang doon manirahan dahil marami na rin siyang naipon bilang artista, pero mas ginusto niyang manatili sa Bulacan kapiling ng kanyang mga minamahal na kalalawigan

Wala rin siyang magarbong sasakyan na katulad ng ibang mga inihalal na opisyal ng pamahalaan, patunay lamang na mas gusto niya ang isang simple, payak at tahimik na pamumuhay sa piling ng kanyang pamilya at bilang isang lingkod-bayan.

Sa loob ng may siyam na taon nilang pagsasama ni Governor Wilhelmino M. Sy- Alvarado ay naging maganda at maayos na ang takbo at kalagayan ng Bulacan sa lahat ng aspeto ng kaunlaran dahil patuloy silang nagkakatulungan sa lahat ng mga programa at proyektong kailangan ng ka-nilang lalawigan.

Iba talaga ang mga taong malapit sa Diyos na katulad nina Gob. Willy at Vice Gob. Daniel, dahil patuloy na pinagpapala ang kanilang maka-tao at maka-Diyos na layunin sa pagkakaloob ng isang maayos at magandang serbisyo para sa mga Bulakenyo.

Kaya hindi na nagtaka ang halos lahat ng mga Bulakenyo nang dumating na ang itinakdang panahon na siya naman ang magpatakbo ng kanilang lalawigan sa ilalim pa rin ng kanilang matibay na samahan ni Gob Willy, upang sila ay magkatulungang muli para sa pagpapatuloy ng kanilang mga sinimulang progresibong programa.

Ayon sa ilang mga Bulakenyo very deserving naman s VG Daniel bilang gobernador ng Bulacan na katulad ng mga kasama niya sa mundo ng showbiz na sina Vilma Santos, George Estregan Jr at Lito Lapid, na pawang nagtagumpay bilang mga lingkod bayan sa kani- kanilang mga lalawigan; At posibleng balang araw ay isa rin siya sa mga public servant na maka- akyat sa Palasyo ng Malakanyang bilang Pangulo ng ating bansa na katulad ng dating action star na si dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada.

Congratulations to our new Governor Daniel R. Fernando, and Wish you all the best in serving the people of Bulacan.

More power and GOD Bless too. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleSocial Security Act 2018 ng SSS para sa kabutihan ng mga OFW
Next articleBasurahan sa Pulilan, umaalingasaw ang baho!
DAISY Medina Fischer known as “Daisy Medina” in her pen name was a graduate of Secretarial courses at the former Gregg Business College. Previously she work in to two well known foreign private insurance company, as one of the department head, until she challenges herself and joined in the media industry to practice her talent in news writing as provincial correspondent of the four national daily tabloid newspaper known as Debate, Text Balita, Police Files Tonight and HATAW sa Balita. Presently she managed a family business.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here