Home National News Gov. Fernando, binalaan ang publiko sa panganib ng dengue sa kabila ng...

Gov. Fernando, binalaan ang publiko sa panganib ng dengue sa kabila ng mas mababang tala ng kaso

33
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Bagaman mas mababa ng walong porsyento kumpara sa mga kasong naitala noong nakaraang taon, nagbabala pa rin si Gob. Daniel R. Fernando sa publiko na mag-ingat sa panganib na dala ng nakamamatay na dengue virus.

Sa paglulunsad ng mahigpit na implementasyon ng Executive Order No. 002-2019 kamakailan kung saan tinagubilinan ang lahat ng mga bayan at lungsod na tanggalin ang mga tarpaulin na nakapaskil sa lalawigan ng walang konsiderasyon sa tamang lugar at pagtatanggal dahil nakadadagdag ito sa basura sa probinsya, sinabi ni Fernando na maaari din itong pamahayan ng mga lamok na nagdadala ng dengue.

Ayon sa tala ng Provincial Health Office-Public Health, may 3,163 ng mga pinaghihinalaang kaso ng dengue mula Enero 1 hanggang Hulyo 27, 2019 at may walong namatay kaugnay ng dengue kumpara sa 3, 440 na mga kaso at 10 namatay kaugnay ng dengue sa parehong panahon noong nakaraang taon.

Gayundin, may 69 mula sa 569 na mga barangay na sa lalawigan ang nasa ilalim ng kategoryang clustering na ang ibig sabihin ay nakapagtala ng dalawa o higit pang kaso sa isang lugar.

“Ngayon po ay patuloy na tumataas ang bilang ng kaso ng dengue, bagaman mas mababa ngayon kumpara noong isang taon hindi pa rin natin ito dapat ipagsawalang bahala sapagkat maaari itong madagdagan kung tayo ay magpapabaya. Kaya tayo po ang dapat manguna sa pagpapanatili ng kalinisan ng kapaligiran upang tuluyang mapuksa ang mga lamok na nagdadala ng dengue,” ani Fernando.

Samantala, binigyang diin naman ni Dr. Jocelyn Gomez, pinuno ng PHO-PH, ang kahalagahan ng 4S Strategy upang maiwasan ang dengue kung saan kabilang ang S- search and destroy of breeding sites o suyurin at sirain ang mga maaaring pamugaran at pangitlugan ng lamok; S-Secure self-protection measures o pagsusuot ng mahahabang manggas, paglalagay ng mosquito repellent; Seek early consultation o pagsangguni sa pinakamalpit na health center o ospital sakaling nilalagnat dalawang araw o higit pa; at Support fogging, spraying during impending outbreak o pagsuporta sa gagawing spraying lalo na kung sunud-sunod na ang kaso ng dengue sa inyong barangay.

Ayon sa Department of Health, naisasalin ang dengue sa pamamagitan ng kagat ng Aedes aegypti at Aedes albopictus na lamok na may dengue na maaaring mangitlog sa mga lalagyan na may malinaw ngunit nakaimbak na tubig gaya ng takip ng bote, patuyuan ng pinggan, basurahan, lumang gulong at iba pa. Ang mga nasabing lamok ay karaniwang nangangagat dalawang oras bago sumikat ang araw at dalawang oras matapos itong lumubog na makikita sa loob at labas ng bahay. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleMga Bulakenyo at barangay, pinarangalan sa kontribusyon sa larangan ng nutrisyon
Next article7 drug peddlers nabbed in Bulacan anti-drug sting
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here