Gov. Fernando, magtatayo ng ‘Farmer’s Training School’

0
125

DINANAS natin ang magkakasunod na pagsubok maging ng buong mundo, nandyan ang pandemya, magkakasunod na bagyo na sumira ng maraming kabuhayan.

Napagpasiyahan ni Governor Daniel R. Fernando na magtayo ng “Farmer’s Training School” ng sa gayon ay mahikayat ang mga kabataang mag-aaral sa kahalagahan ng agrikultura.

Sa isinagawang pulong balitaan kamakailan, sinabi ni Gov. Fernando na marami sa mga kabataang mag-aaral ang naka-focus lamang sa apat na taong kurso na halos lahat ay walang kinalaman sa agrikultura.

Kung meron man sa mga ito ay nasa nasa 1 o 2 porsiyento na lamang ang nakakaisip na kumuha ng kursong Bachelor of Science in Agriculture.

Pahayag ni pa ng gobernador, “nakulong tayo at nananatili sa ating mga tahanan dahil sa pandemyang kinahaharap natin sa kasalukuyan at ngayon panahon ng tag-ulan aniya, ano ang kailangan natin? Pagkain di ba? Hanggang sa ngayon ay di natin dinanas ang magutom dahil may mga stock tayong bigas, mga pananim na naaning mga gulay at prutas. Ang industrial bumagsak pero ang agriculture patuloy”.

Hinihikayat din ni Fernando, na kung mayroon ka man nang maliit na lupa o bakuran ay magtanim ng mga gulay dahil ilang buwan lamang ay puwede ng  mapakinabangan ang bunga nito. Sa mga prutas naman (fruit bearing) ay isa o dalawang taon lamang ay namumunga na. Puwede rin na mag-alaga ng hayop gaya ng manok na paitlugin, baboy o kambing, sapagkat kailangan natin ng alternatibong pamamaraan.

At ’yung mga halaman na hindi naman napapakinabangan o nakakain, dapat ay sa gubat na lang itanim o sa mga mababang parte.

Taniman din natin ng mga puno ang matatas na parte ng ating kabundukan upang hindi magkaroon ng landslide at para ang tubig ay mapigil at ang lupa ay manatiling matatag at hindi guguho. (RONDA BALITA Online) 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here