Gov. Fernando, patuloy ang pagsasagawa ng Damayang Filipino sa Barangay

0
112

MAS lalong pinaigting ang hangarin ng Damayang Filipino sa Barangay
sa pamumuno ni Gobernador Daniel R. Fernando na maisagawa ang tapat at sinserong paglilingkod sa mga Bulakenyo sa pamamagitan ng paghahatid ng libreng serbisyo sa mga bara-barangay na sakop ng lalawigan ng Bulacan.

Bukod naman sa programang medikal na sentro ng atensyon ng Damayang Filipino Barangay, pinaiigting din ang pagtataguyod ng livelihood program, blood letting, call center training program, feeding projects, Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko Computer on Wheels at scholarship program na katuwang si Vice Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado

Unang taon pa lang sa panunungkulan bilang gobernador, wala itong sinayang na sandali at halos araw-araw ang paglalatag ng Damayang Filipino sa Barangay saan mang sulok ng lalawigan.

Patuloy ang People’s Governor sa inumpisahang pagseserbisyo mula ng maupo kaya’t halos wala itong kapaguran maihatid lamang sa mga kababayan ang mga pangunahing tulong ng Kapitolyo.

Ang kasipagan at bukal sa loob na paglilingkod ni Gov. Daniel ay nakagawian na rin at namana na ng kanyang mga tauhan kaya ganun na lamang ang sipag ng kanyang mga tauhan kapag oras na nang paghahatid ng serbisyo sa mamamayang Bulakenyo. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here