Gov. Fernando, sigurado na sa kanyang ikalawang termino!

0
229
TAKLESA, an opinion column by Roseth Reyes

NALALAPIT na naman ang na halalan at sa darating na buwan ng October ay filing of candidacy na ng mga pulitikong nagnanais maglingkod sa taumbayan.

At siguradong babasehan ng mga botante ay ang kung may nagawa ba ang tumatakbong pulitiko sa panahon ng pandemya o wala.

Sa kasalukuyan ay mainit na ang usapin kung sino nga ba ang makakatunggali ng kasalukuyang Gobernador ng Bulacan na si Gov. Daniel R. Fernando.

Lalabanan umano siya ng kanyang dating “pakner” na si Vice Governor Wilhelmino Sy-Alvarado. Magandang laban ito kapag nagkataon.

Pero wala pang gobernador na nakabalik sa puwesto sa ating lalawigan. May mga sumubok pero wala pang nagtatagumpay.

Kaya para sa akin (Take note: Para sa akin ha!) ay mahirap talunin ang isang Daniel Fernando sa kanyang ikalawang termino.

Mula nang nakapasok sa ating bansa ang COVID-19 nu’ng Marso 2020 at hanggang sa kasalukuyan ay walang sinayang na oras si Gov. Fernando.

Sinuyod niya ang kahit ang kasuluk-sulukang barangay sa ating lalawigan ng Bulacan para maghatid ng tulong o ayuda.

Walang piniling araw o oras ang gobernador na ang tanging hangad ay madalahan ng tulong ang mga kababayang lubhang apektado ng pandemya, mga kababayang walang mahugot nung panahon ng kagipitan dulot ng COVID-19.

Halos ginawa niyang araw ang gabi, makabuo lang ng mainam na solus­yon sa sakit na gumimbal sa buong mundo. Ang virus na nagpabago ng buhay nating mga Pilipino.

Lahat ng mga inihain na suhestiyon ay kanyang pinag-isipan at ginawan ng paraan upang makabuo ng planong isasalag sa COVID-19.

Lumikha siya ng mga laboratoryo, center na siyang tututok sa COVID-19.

Mula sa pagmulat ng kanyang mga mata ay siya ring simula ng kanyang pag-iikot sa mga barangay. Pag-iikot na sa pakiwari ko ay wala nang katapusan dahil hangga’t may banta ng COVID-19, bagsak ang ating kabuhayan, laglag ang ating ekonomiya.

Mabuti na nga lang at meron tayong gobernador na masasandalan at ma­aasahan sa oras ng kagipitan.

Paano tatalunin ang isang namumuno kung ito ay walang inisip kundi ang kabutihan ng kanyang mga nasasakupan?

Paano mo gagapiin ang isang gobernador kung wala itong ibang inisip kundi ang pagsilbihan ang kanyang mamamayan.  

At paano mo patataubin ang isang mahusay na lider, na may takot sa Diyos at sa tao kung ito ay nagli­lingkod ng tama, tapat at walang kinikilingan.

Paano nga ba matatalo ang isang Gov. Daniel R. Fernando sa 2022 election kung tama at may puso ang kanyang ginagawa. Paglilingkod na sapat at paglilingkod na tapat para sa mamamayang Bulakenyo.

Ito ang gobernador ko. Ang gobernador ng masa. Ang People’s Governor, Daniel R. Fernando.  

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA BALITA, ang Lingguhang Pahayagan ng Masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!  

Kung may tanong, su­hes­tiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917-205 -3350. 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here