Grabe itong Coronavirus

0
71
Opinion Column ni Vic  Billones lll

HABANG isinusulat ito ay nagkakagulo at nasisindak na ang mga tao sa lumalaganap na 2019 novel coronavirus (2019-nCoV,) na nagmula sa bayan ng Wuhan, China, balita sa mga nakaraang ulat ay may mga nangamatay na sa nasabing sakit.

Ano ba itong ‘coronavirus?’ Ito ay ‘virus’ na nakakaapekto sa sistema ng paghinga ng tao.

Nagdudulot ito ng banayad na impeksyon, tulad ng ubo, sipon, lagnat, problema sa paghinga, at batay sa ating nakalap ay delikado ito sa mga taong may edad na o sa may mahinang ‘immune system’ o may mga sakit. Grabe pala itong ‘virus’ na ito.

Kaya itong Civil Aviation Authority of the Philippines at Bureau of Quarantine ay lagiang nakamanman sa mga biyaherong nagmumula sa bansang Tsina.

Tsk! Tsk! Tsk! Ilang Tsekwa kasi kung anu-ano ang mga kinakain eh. Dito sa ating bansa, ang ating mga kababayan ay natatakot na mahawaan ng nakamamatay na ‘coronavirus.’ kaya upang makaiwas sa ‘virus’ na ito ay nagususot na din sila ng mga ‘safety mask.’ Ang problema nagkakaubusan na daw ng ‘face mask’ na mabibili, pati ang mga ‘online business; na nagbebenta ng naturang ‘mask’ ay nauubusan na din.

Dito sa Lalawigan ng Bulacan ay wala pa naman na naiulat tungkol sa kasong ‘coronavirus,’ pero ang ‘No Face Mask Policy’ sa Bulacan ay apektado. Marami na ngayong taong naka-motorsiklong may suot na ‘mask,’ batid naman ng nakararami na ang pagtakip sa mukha ay pangkaraniwang gamit ng ‘riding-in-tandem gunmen.’

Ingat na lamang po, laging maghugas ng kamay, iwasan ang lagiang pagdikit sa mga hayop, uminom ng maraming tubig at siguruhing tama ang pagkakaluto ng mga pagkain, lumayo o takpan ang bibig at ilong tuwing uubo o babahin, umiwas sa mga taong may sintomas ng ubo at sipon at agarang komunsulta sa mga pagamutan at sa iba pang mga pasilidad sa kalusugan kung may sintomas ng ubo’t sipon (lalo na kung nagmula sa Wuhan, China.)

*****

Mga mananayaw na San Josenios, nag-klik sa Iloilo

“Naging makulay, maganda at napakahusay ng ‘performance’ ng ating mga mananayaw mula sa Lungsod ng San Jose Del Monte (LSJDM,)” wika ng isang nakapanayam na Opisyal ng City hall ng LSJDM, na nakasama sa ‘entourage’ sa Iloilo City.

Ito ang ‘Sining Tanglawan ng San Jose Del Monte Performing group, at kasama dito ang ilang mag-aaral mula sa Sapang Palay National High School na nagsipagsayaw sa himig ng musika, upang itaguyod at mapaunlad pa ang pagkilala sa Tanglawan Festival ng LSJDM, noong ‘Float Parade of Lights sa Iloilo para sa 52nd Dinagyang Festival.’

Dahil sa galing ng mga San Josenios ay ipinadama ni Mayor Arthur Robes, LSJDM, ang kanyang kasiyahan, at ibinahagi niya ang kanyang magandang mensahe sa mga kawani ng pamahalaan at mga San Josenios, nitong nakaraang ‘Flag raising Ceremony.’

Ayon sa kanya.”unti-unti na nating naipapamalas at naipapakita na kaya talaga ng mga San Josenio. Tingnan ninyo sa Dinagyang sa Iloilo, iniimbita na tayo. Dahil may mga magagaling na San Josenios na patuloy na nagpapamalas ng kanilang kahusayan. Kaya iyang Tanglawan Festival natin, hindi lang pang-lokal. Soon, pang-international na rin.”

Tsk!Tsk! Tsk! Nakita natin ang sayaw ng mga San Josenios sa ‘video’ na ibinahagi sa ‘Social media.’ Talagang makulay nga, magaganda ang mga kasuotan na ‘naka-filipiniana’ ang mga kababaihan, habang naka-barong naman ang mga kalalakihan, Habang sumasayaw sa magandang tugtugin ay may mga hawak na nakasinding ilaw sa tila parol ng Tanglawan. Mabuhay ang ating magagaling na ‘performers,’ (RONDA BALITA Online)

Previous articlePangarap na tulay na mag-uugnay sa San Miguel at DRT, pinasinayaan
Next articleViruses: Kalabang ‘di nakikita
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here