Home National News Grade 10 na papasok sa school, timbog sa ‘damo’

Grade 10 na papasok sa school, timbog sa ‘damo’

102
0
SHARE

PASIG CITY — Buking ang pagtutulak ng damo ng isang estudyante makaraang mahulihan ng 10 plastic sachet ng pinatuyong dahon ng marijuana habang papasok ng paaralan kamakalawa nang umaga sa Brgy. Caniogan sa naturang lungsod.

Nakilala ang estudyante na si John Arbie Echague, 18-anyos, Grade 10 student ng Rizal High School at residente ng No. 1428 Suarez St., Brgy. Maybunga, Pasig City.

Ayon kay Supt. Rizalito Gapas ng Pasig Police, marami na silang nababalitaan na maging ang mga mag-aaral ay ginagamit para magtulak ng droga sa loob ng school kaya mahigpit nilang mino-monitor ang mga kabataan na naeengganyo na magtulak ng iligal na droga para kumita.

Batay sa report, papasok na sana ang suspek sa kanyang paaralan bandang alas-7:20 kamakalawa nang umaga nang sitahin ng security guard ng paaralan para sa bag inspection at doon na tumambad ang mga pakete ng pinatuyong dahon ng marijuana sa bag.

Nakumpiska mula sa estudyante ang 10 piraso ng plastic sachet ng marijuana.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Pasig detention cell habang inaayos ang kasong paglabag sa Section 11 ng Article II ng RA 9165 o illegal drugs act.

Source: abante.com.ph

SHARE
Previous articleSenador inupakan ang mga opisyal ng NFA sa pagkain ng binukbok na bigas
Next articleP250K reward laban sa mga rice hoarder
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here