Home National News Grade 10 student kinasuhan ng 9 counts of rape

Grade 10 student kinasuhan ng 9 counts of rape

198
0
SHARE

SILANG, Cavite — Isang 17-anyos ang nasa Grade 10 ang inaresto ng lokal na pulisya kamakalawa bunsod sa kasong 9 counts of rape na isinampa laban dito kaugnay ng dalawang insidente ng panggagahasa sa nasabing bayan.

Nasa kustodiya ng Municipal Social Welfare Development (MSWD) ang naarestong suspek na itinago sa pangalang “Drigo” dahil sa pagiging menor de edad na residente ng Brgy. Malabag, Silang, Cavite.

Patung-patong na kaso ang kinahaharap nito dahil sa reklamong panggagahasa sa dalawang dalagang may edad 18 at19.

Ayon sa report ni SPO3 Arnel Mendoza ng Silang, Cavite MPS Warrant Section, dakong alas-2:30 nang hapon nang isilbi ang warrant of arrest na inisyu ni Hon. Raquel Asoiras-Sanchez, Presiding Judge ng RTC Branch 3 Family Court ng Tagaytay City, Cavite laban sa naturang suspek sa kanilang bahay.

Ayon kay Mendoza, nasa pagitan ng August 2017 nang naganap ang panghahalay umano ng suspek sa mga biktima sa Brgy. Malabag, Silang, Cavite kung saan mga katropa umano nito ang dalawang babae.

Ang kasong Rape by Sexual Assault ay may inirekomendang piyansa na P200,000 gayunman, wala umanong inirekomendang bail para sa walong kaso ng suspek.

Pansamantalang inilagay sa kustodiya ng MSWD ang suspek dahil sa pagiging menor-de-edad nito gayunman posibleng ilipat na sa regular na detention cell pagdating ng July kung saan 18-anyos na ito.

SHARE
Previous article5 huli sa pekeng Marlboro, Mighty sa Nueva Ecija
Next articleFilipino nurse sa Saudi, sinaksak ng pasyente 
A team of journalist came up with a newspaper that would complement the fast-paced development now happening in the country. Presently, social media, online news, and other multimedia press centers are active nowadays and the people behind RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente created a modern digital news site whose products include newsfeeds, online news releases and advertisements and it is entitled RONDA Balita Online News.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here