Grade 6 student sa Baliwag, hinalay sa gitna ng bukid

2
29014
Ang suspek sa panggagahasa ng isang 12-anyos na dalagita na si Rusty Maoricio, residente ng Brgy. Pinagbarilan, Baliwag, Bulacan. (Larawan mula, sa Bulacan PNP)

BALIWAG, Bulacan — Arestado ang 34-anyos na lalaki matapos halayin umano ang isang Grade 6 student na batang babae sa gitna ng bukid nitong Linggo, Mayo 3.

Kinilala ni Bulacan Police director Col. Lawrence Cajipe ang suspek na si Rusty Maoricio, residente ng Brgy. Pinagbarilan ng naturang bayan, habang itatago na lamang sa pangalang “Barbie” ang biktimang 12 taong gulang.

Lumilitaw sa imbestigasyon na puwersahan umanog isinakay ni Maoricio sa Tricycle na may plakang RDL 2345 ang biktima.

Dinala umano ng suspek si Barbie sa isang bakanteng bahay sa gitnang bukid na nasasakupan ng Brgy. Sto Cristo, Pulilan at doon umano isinagawa ang pananamantala.

Base sa reklamo at sa follow-up operation ng mga pulis, positibong itinuro ng biktima ang suspek sa ipinakitang CCTV footage na puwersahang kumuha at humalay sa kanya.

Nahaharap sa kasong panghahalay ang suspek habang humihimas ng rehas na bakal sa naturang istasyon ng pulisya. (RONDA BALITA Online)

2 COMMENTS

  1. Korek rikiboy🤪🤪🤣🤣kawawa naman yung biktima..nakasuhan pa😄😄😄..Check your news before you spread out😉

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here