Grade 6 teacher patay sa sobrang pagod sa Brigada Eskwela

0
132
Ang guro na si Minerva Rusia Aberia ng P. Paez Elementary School sa Tondo Maynila na namatay sa sobrang pagod sa paglilinis ng silid aralan bilang bahagi ng Brigada Eskwela ng DepEd.

TONDO, Manila — Isang guro sa pampublikong paaralan ang nasawi makaraang maputukan ng ugat sa ulo sa paglilinis sa kanyang silid-aralan bilang bahagi ng Brigada Eskwela ng Department of Education (DepEd).

Kinilala ang guro na si Minerva Rusia Aberia, 59, grade 6 English Teacher ng P. Paez Elementary School sa Tondo Maynila.

Bago nasawi si Teacher Minerva nitong June 13, 2019 ay naratay muna siya ng mahigit tatlong linggo sa ospital.

Nabatid na nitong nakalipas na Brigada Eskwela ay mag-isang nilinis ni teacher Minerva ang kanyang silid-aralan hanggang makaramdam ng matinding kirot sa kanyang ulo at unti-unting nanghina.

Isinugod sa Hospital at doon nalaman na pumutok ang ugat nito sa kanyang ulo at sumailalim sa maselang operasyon at sa loob ng tatlong linggo ay tuluyang nalagutan ng hininga.

Mahigit sa tatlong dekada nang nagtuturo sa pampublikong paaralan ang ginang at sana sa pagtatapos ng school year 2019-2020 ay magreretiro na ito.

Umaasa naman ang pamilya ng guro na tutulungan sila ng DepEd na una nang ipinangako sa kanila.

Source: Pilipino Star Ngayon

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here