Home Showbiz Gretchen Barretto viral ang half-naked body, pamangkin ‘ungrateful’

Gretchen Barretto viral ang half-naked body, pamangkin ‘ungrateful’

2692
0
SHARE
Gretchen Barretto

MANGHANG-MANGHA ang netizens nang i-post ni Gretchen Barretto ang kanyang half-naked body sa kanyang Instagram.

Nasa beauty and wellness center si La Greta nang i-selfie niya ang kalahati ng katawan.

Very confident ang 47 years old sexy-actress habang siya nagpapatanggal ng stretch marks sa pamamagitan ng laser treatment.

Maging sina Anne Curtis at Judy Ann Santos ay na-inspire dahil nakita nila ang fit na katawan ni Gretchen.

Ang pamangkin na si Claudia Barreto

Samantala, nag-react si Greta sa komento ng pamangkin na si Claudia Barreto referring her as “someone else,” nang tanungin ang huli ng press people.

Ani Gretchen, nasaktan siya at ungrateful comment ang sinabi ng pamangkin. Si Claudia ay anak nina Marjorie Barretto at Dennis Padilla. Magkasama sila ng sister niyang si Julia sa isang shampoo commercial.

Nag-viral sa social media ang sagot ni Greta kaya na-bash ang bagets. Lahad pa niya, tinawagan siya ng anak na si Dominique para i-clarify ang tungkol sa pinsan.

“Dominique gave me a call yesterday to please reach out to Claui & understand her & forgive her, Claui is considered Dominique’s little sister & I consider Claui my very own child.”

Ayon pa sa sexy-actress nasabi lang daw niya ‘yun dahil nasaktan siya. Nag-sorry naman na raw si Claudia. Bilang baguhan sa showbiz industry naiintindihan niya ang pamangkin lalo pa at turing niya dito ay tunay na anak.

“We must ignore the pain that our children make us feel, we must embrace them through their flaws & love them UNCONDITIONALLY,” pagtatapos ni La Greta. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleEllen Adarna manganganak sa June!
Next articleTaunang pagdiriwang ng Penis Festival sa Japan, dinumog
BETH Gelena was a formerly a part-time showbiz writer and staff of People’s Tonight Entertainment Section under Julie Fe Navarro for almost two decades. Beth decided to leave the Journal office in Port Area, Manila and chose to become freelance and full-time showbiz writer of several national daily newspapers such as Police Files Tonite, Abante Tonite, Pilipino Mirror, Pinas at Bagong Toro. She is now entertainment writer of Bulgar newspaper. Betchay is also an active member of the Philippine Movie Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here