Home Showbiz Gretchen pinuri ng netizens sa husay ng pagpapalaki sa anak

Gretchen pinuri ng netizens sa husay ng pagpapalaki sa anak

68
0
SHARE

MULING nagbahagi ng video si Claudine Barretto sa kanyang social media kung saan magkasama sila nina Gretchen at ng anak nitong si Dominique Cojuangco kasama rin ang anak niyang si Quia.

Ipinost ni Claudine ang isang video ng kanilang latest bonding moment ni Gretchen. Sa video kitang-kita ang sobrang saya ng magpi-pinsan nang magkita.

Mukhang first time na nag-meet ng magpinsang Dominique at Quia na halatang-halata sa yakap ng dalawa.

Siyempre, bumuhos din ang reaksyon ng netizens na nakapansin sa sobrang sweetnes ng mga anak nina Clau at Greta sa isa’t isa.

“Your ate @gretchenbarretto really loves you @claubarretto..what a joy to see Doms embracing you…I think that girl really missed you praying for you and your ate for continued peace and love.”

“Parang ang bait bait ng anak ni Greta di mata pobre. Eto lang yung moment na nakita ko si Dom at cousin niya from her tita Claudine na close at sweet pero yung mga anak ni Marjorie parang di sila ganyan sa mga anak ni Clau..ibig sabihin maganda ang pagpapalaki ni Greta kay Dom.”

“Bata pa lang si Quia pero alam na niya ang ibig sabihin ng grateful sa mga tita nya.”

Wish ng netizens na sana raw ay hindi na muli pang mag-away ang magkapatid. Ibig din nilang one day daw ay makita rin ng followers ng Barretto sisters ang isa pa nilang kapatid na si Marjorie na kasama nilang nagbo-bonding. (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here