Home Katropa Rumoronda Groundbreaking ng City College of San Jose del Monte, nalalapit na

Groundbreaking ng City College of San Jose del Monte, nalalapit na

565
0
SHARE
Opinion Column ni Vic  Billones lll

TUWING uma­ga pagkagising ng Katropa ay nakatuon lagi ang ating pansin sa mga ba­litang isi­nahihim­papawid ng mga pa­bo­ritong radio station.

Unang nakaririnding balita na ating nadidinig ay ang tuligsaan ng mga matataas na pinuno ng bansa sa pangunguna nina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator  AntonioTrillanes, gayundin ang Ombudsman at ang Supreme Court.

Hamunan at tila bastusan na ang mga nangyayari sa patutsadaan ng mga nasabing opisyal ng Gobyerno. Waring ang respeto sa bawat isa ay unti-unti ng nawawala. Ang kinalalabasan tuloy, ilang mamamayan ay nagugulumihanan sa mga ugali ng mga taong nasa poder ng kapangyarihan.

Ang mga tanong ng bayan ay: Sila ba ay nagsasabi ng totoo? Sila ba ay may itinatago sa taumbayan? Totoo ba ang kanilang mga pahayag na sinusunod at ipinamumuhay ng sambayanan? Sila ba ay karapat-dapat na manungkulan sa pamahalaan at maging sandigan ng balana para sa katotohanan? Sino sa kanila ang nagsasabi ng totoo?

Tsk!Tsk! Tsk! Walang dapat sisihin sa mga inaasal ng taong nabanggit, kundi tayo na ring humalal at nagluklok sa kanila sa kapangyarihan.

Pasensiya tayo kung nagkaroon tayo ng mga pinunong bugoy at mahilig sa pagpapanggap. Kaya kahit na ako ay naririndi sa mga balita na nagaganap sa ating lipunan, ay nagkikibit balikat na lamang at napapangiti sa mga paguugali ng mga pulitikong ito.

Dapat sa mga pulitikong ito ay magpakatotoo, dahil walang ibang magdaranas ng kanilang mga pagpapanggap at kabuguyan kundi ang nakararaming mamamayan na nananalig sa katotohanan. Dahil sa katotohanan gumagabay ang lahat tungo sa tunay at wagas na pagunawa, kalayaan at kaunlaran ng bawat isa. Huwag nating ipagwalang bahala ang taimtim na panalangin para sa mga taong ito na silang namamahala ng ating pamahalaan, na gabayan sila sa kanilang mga ginagawa at huwag mawala sa kanilang kaisipan ang perspektibong sila ang dapat na maging gabay ng lahat na umaasa sa kanilang mga kapangyarihan. Ang pagkukunwari ay walang karapatan sa isang totoong lingkod bayan.

*****

Siyanga nga pala mga Katropa, sa ika-10 ng Nobyembre, 2017, ay ang ‘groundbreaking’ ng City College of San Jose Del Monte, na dadaluhan ng mang-aawit at komedyanteng si Andrew E. Ang nasabing City Colleges of San Jose ay aabot sa dalawa hanggang apat na palapag. Ito ay matatagpuan sa Industrial Minuyan Proper, Brgy Minuyan, CSJDM.

Ang naturang proyekto ay inilaan nina Mayor Arthur Robes, Congresswoman Rida Robes, Vice Mayor Efren Bartolome Jr., mga Kinatawan ng Lungsod ng San Jose Del Monte, at City Administrator  Dennis Booth ng CSJDM, para sa mga magagaling na magaaral ng San Josenio.

Ang mga technical work­ing group ay kinabibilangan ng nina Admin Dr. Dennis Booth, Ph.D., Mga Head ng Accounting Dep’t, Budget, Treasurer, City Planning, HR, kabilang sila Brendalyn Mingoy, Guniverri Feliciano, Dr. Gerardo Cruz, Ph.D., at Dr. Orlando Mo­lina, Ph.D.

Tsk! Tsk! Tsk! Basta sa may mga kalidad na magaaral ang City of San Jose Del Monte, ay laging nakaantabay at handang maglingkod. Mabuhay po kayo!

Kung may nais ka­yong ipalathala ay mang­yaring ipadala sa ating email: Katropa2003@yahoo.com o sa billones@ralo.org.

Hanggang sa muli.

 

SHARE
Previous articleMagsagawa ng agarang imbestigasyon sa nangyaring pagsabog ng water tank sa CSJDM 
Next articleAng Martial Law sa mata ng Sambayanang Pilipino 
VIC Billones lll was born and raised in Manila, Philippines. He started writing short stories and illustrating in Comics competitively while studying B. S. Journalism at the Lyceum of the Philippines, Intramuros, Manila, in 1977 and graduated in 1981. After graduating from college, he started to write and work in several national newspapers such as The Philippine Tribune, Liberty, KABAYAN and broadsheet Sun Star Manila as a correspondent in the Province of Bulacan. In 2003 he toured in Los Angeles California, USA, for a month. Before he left USA, he met Mr. Calvert Dacanay, then Publisher of TALIBA. Inc. Billones became a columnist and designated as Bureau Chief of TALIBA, Inc USA, based in the Philippines and he left the USA in 2011. In July 2016, Billones asked to work as Consultant for Media Affairs, for City Administrator’s Office at the City of San Jose Del Monte (CSJDM,) Bulacan. Until now, besides his job in CSJDM, he pursues his passion for writing weekly column for RONDA BALITA and RONDA Online News; Board of Editor/Columnist for SAKTO Balita; Columnist for Waterfront News, LATIGO Newspaper, Mabuhay Newspaper, CENTRO News, News Watcher and Luzon Times; Associate Editor/Columnist for KLIMA Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here