Home Bulacan Local News Groundbreaking rites ng Provincial Satellite Auditing Office, isinagawa!

Groundbreaking rites ng Provincial Satellite Auditing Office, isinagawa!

281
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Magkakaroon na ang mga tagasuri ng gobyerno ng kanilang sariling gusali na kumpleto sa dormitoryo at stockroom sa Brgy. Bulihan sa lungsod na ito.

Pinangunahan ni Commission on Audit (COA) Chairman Michael Aguinaldo kasama sina Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado at Panlalawigang Tagapangasiwa Eugenio Payongayong ang groundbreaking rites ng Provincial Satellite Auditing Office (PSAO) ng COA sa isang 3,000 metro kwadrado na lote sa kahabaan ng McArthur Highway sa Brgy. Bulihan sa lungsod na ito.

Pinasalamatan ni COA Chairman Michael Aguinaldo si Gob. Alvarado at ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan gayundin si Bise Gob. Daniel R. Fernando at ang Sangguniang Panlalawigan para sa pagbibigay nito ng malaking lupa na pagtatayuan ng bagong gusali para sa mga tagasuri ng gobyerno.

Pinangunahan ni Commission on Audit (COA) Chairman Michael Aguinaldo kasama si Gob. Wilhelmino M. Sy-Alvarado at ang groundbreaking rites ng Provincial Satellite Auditing Office (PSAO) ng COA sa isang 3,000 metro kwadrado na lote sa kahabaan ng McArthur Highway sa Brgy. Bulihan sa lungsod na ito. Nasa likuran si Provincial Prosecutor Renato Samonte.

Matapos itong makumpleto, sinabi ni Aguinaldo na magkakaroon na ang panlalawigang tanggapan ng COA na kasalukuyang tumutuloy sa isang gusali sa loob ng Provincial Capitol Compound ng sarili nitong gusali, dormitory at stockroom.

Sinabi pa niya na naglaan na ng P17,641,281.42 para sa konstruksyon ng satellite auditing office kung saan ipo-proseso ang lahat ng pagsusuri sa Bulacan.

“This will be the biggest satellite office of COA,” ani Aguinaldo.

Sinabi naman ni Alvarado, na sinamahan sina Aguinaldo, Provincial Prosecutor Renato Samonte, Jr., at iba pang opisyal ng COA sa pagbabaon ng time capsule na naglalaman ng blueprint ng gusali, na magkakaroon na ang COA ng modernong tanggapan sa Bulacan.

“Katulad din ito ng pagtatanim na kung saan ipinupunla ang isang buto na dapat alagaan upang maging isang matibay na puno. Dito isisilang ang mga pangarap ng isang matinong pamamahala dahil sabi nga na public

office is a public trust,” ani Alvarado.

Aniya, hindi lamang dapat nagreregula ang COA bagkus ay pinauunlad nito ang paggabay sa mga programa at procurement ng gobyerno.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here