Home Lady Gaga Gubernatorial Candidates’ Forum 2019, naging payapa

Gubernatorial Candidates’ Forum 2019, naging payapa

52
0
SHARE

NAGING payapa ang idinaos na Gubernatorial Candidates’ Forum 2019 kamakailan sa St. Martin of Tours sa Bocaue, Bulacan kung saan ito ay dinaluhan ng tatlo sa walong kandidatong sa pagka-gobernador.

Animo’y hindi magkalaban ang tinaguriang “Agila ng Bulacan” na si Mayor Christian D. Natividad at ang “The Peoples Governor” na si Vice Gov. Daniel Fernando.

Masayang nag-uusap si Natividad at Fernando na parehong tumatakbo bilang gobernador ng lalawigan ng Bulacan.

Dumalo rin ang isang kandidatong independyente na si Jayson Ocampo na isa umanong ekonomista.

Kapwa mahuhusay at magigiting sa kani-kaninang mga sagot sian Agila at ang Artista.

Makaraan magdaos ng gubernatorial forum may mga haka-hakang kesyo inilampaso daw ni Natividad si Fernando.

Anu bang ibig sabihin ng lampaso? Nganga. Walang nasabi at walang mga supporters?

Samantalang ang sarap tingnan at pakinggan na kapag si Agila ang nagsasalita ay normal na magsigawan ang mga supporters nito subalit kung si Fernando naman magsasalita ay ganun din ang hiyawan ng mga supporters.

Masarap tingnan yaon mga taong nagmamahal sa kanila kung paano sila palakpakan.

Kapwa mahusay at magaling ang magkatunggali.

Ikaw, kayo, tayo, ang pipili kung sino sa kanila ang karapat-dapat maging Ama ng Lalawigan ng Bulacan. ’Yung may puso sa mga maliliit na kababayan at handang maglingkod ng 24 oras sa mga mamamayan.

Gumawa ng mga proyektong para sa kapakanan ng nakararaming Bulakenyo. Hindi magnanakaw o magpapayaman sa kaban ng bayan. Kaya ikaw, oo ikaw, kayo nawa’y maging matalino kung sino ang ating iboboto sa Mayo 13.

*****
KBL namamayagpag

Ang aspirante sa pagka-senador gaya ng anak ng yumaong dating Presidente ng Pilipinas na si Ferdinand E. Marcos na si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos ay masidhi ang hangarin na maluklok bilang isa sa mga senador ng Pilipinas.

Si Imee Marcos ay nasa ilalim ng partido KBL o Kilusang Bagong Lipunan kasama si Atty. Larry Gadon.

Samantala, tila umaayon kay BongBong Marcos ang panahon at antayin na lang ang magiging desisyon ng Supreme Court. Chararang! (RONDA Balita Online News)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here