Gulay-to-share: Libreng gulay para sa mga nangangailangan

0
237

CITY OF MALOLOS, Bulacan — Nagsimulang mamigay ng libreng gulay mula sa mga wholesale sellers na nais sumuporta sa programa Gulay-to-Share sa mga barangay na higit na nangangailangan.

Ayon sa nagsimula ng proyekto na si Ptra. Rosalinda A. Tamayo ng Brgy. San Vicentem, layon nitong ipamahagi ang mga sobrang gulay ng mga wholesale sellers sa mga mahihirap at kapos sa buhay.

Ani Tamayo, naging inspirasyon niya ang kabutihang natanggap mula sa Punong Lungsod Bebong Gatchalian, Market Master Lusito “Lito” Zuñiga, at Maintenance Supervisor Ernesto Regala nitong pandemya upang mag-abot din ng tulong sa iba.

“Maraming nagugutom. May nakakapagnakaw para lang may makain. Wala dapat masayang. Imbis, ipamigay na lang ang sobra para makatulong sa Maloleño” ani Tamayo.

Isa sa mga unang tumugon ay si Fermina Castro nang ilahad ni Tamayo ang Gulay-To-Share sa mga wholesale sellers sa palengke. Ilan pa sa mga tumugon sa nasabing proyekto ay sina Geraldine Aquino, Edwin Quinco at Maricel Martin.

Sinimulan ang naturang proyekto sa Brgy. San Vicente, na ibinukas na rin nitong ika-3 ng Hulyo sa iba pang barangay, tulad ng Canalate, Sumapang Matanda (ika-4 ng Hulyo) at Caniogan (ika-7 ng Hulyo). (RONDA BALITA Online)

Previous articleMga kontaminadong peking duck at iba pang meat products, kinumpiska ng BOC
Next articleBakuna kontra polio, pinaigting sa Bulacan
Emmanuel "Manny" Dineros Balbin, an editor-in-chief of RONDA Balita, Lingguhang Pahayagan ng Masang Intelihente, and RONDA Balita Online News was a former seminarian of Oblates of Mary Immaculate (OMI) in Notre Dame University Seminary in Cotabato City. Graduated Philosophy as major course, Political Science as minor, at the University of Santo Tomas, Legaspi City but landed and became a journalist. A former Journal Group of Publication (People's Journal, Peoples Tonight, Taliba & Women's Journal) staffer for 17 years. Before he was simultaneously contributed news articles to 3 local newspaper in Bulacan (NewsCore, MetroNews & NewsWatcher). A former Journal Group Bulacan correspondent, Kabayan provincial reporter, 2010 Bulacan election correspondent by Rappler and presently, a stringer of Philippine News Agency (PNA) Bulacan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here