‘Gulo’ sa Sangguniang Panlungsod ng Malolos, hindi pa nareresolbahan

0
237
TAKLESA, an opinion column by Roseth Reyes

’TILA yata hindi na magkakaroon ng “katiwasayan” sa loob ng hapag ng  kasalukuyang Sangguniang Panlungsod ng Malolos dahil sa patuloy na pagmamatigas ng grupong 7Up na dumalo sa mga sesyon.

Kung patuloy ang gagawing pagmamatigas ng grupong 7Up o ng mayorya sa City Council, ano na lang ang mangyayari sa ating lungsod.

Saan tayo pupulutin?

Kayo ang mga halal ng lungsod na umaasang magiging boses sa Konseho ay siya pang hindi magawang magkaisa?

Galit na ang mga Malolenyo sa nagaganap sa Konseho na “power struggle” o anupaman at hindi nila maarok ang dahilan ng mga ito.

Kayo ang nagsasabi na para sa kapakanan ng mga Malolenyo ang inyong ginagawa. Kayo na rin ang nagsasabi na kailangan nating magkaisa. Pero ano ang ginagawa ninyo? Kayo pang mga lider ng lungsod ang hindi magawang magkaisa.

Bakit hindi magawang mag-usap, magkapatawaran para sa ikabubuti Lungsod ng Malolos? Masyado bang malalim ang dahilan kaya hindi magawang magpatawad o sadyang ayaw lang natin tumanggap ng pagkakamali?

Mamamayan ang naiipit sa sigalot na nagaganap sa loob ng Konseho ng Malolos at mamamayan din ang magdurusa sa pagmamatigas ng iilan para magkaisa.

Huwag na po nating sabihin pa kung sino ang tama o mali sa mga naganap dahil ang mahalaga sa ngayon ay ang MAGKAISA.

Para na po niyong awa at para sa kapakanan ng Lungsod ng Malolos, magkaisa na po kayo at kalimutan ang mga nangyari. Puede po ba?

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita, ang Lingguhang Pahayagan ng masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!  

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917-205 -3350. (RONDA BALITA Online)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here