CITY OF MALOLOS, Bulacan — Patuloy na tumataas ang bilang ng mga nakakarekober sa COVID-19 dito sa Lalawigan ng Bulacan matapos madagdagan ito ng 26 nitong Miyerkoles (Aug. 5).
Sa ulat ng Bulacan Provincial Health Office (PHO), 26 ang bagong gumaling sa sakit kaya nasa 532 na ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng nakarekober sa coronavirus.
Base na rin sa datos ng PHO nitong Miyerkules ng hapon mayroon namang 22 kumpirmadong kaso ng COVID-19 ang nadagdag at umabot na ang kabuuang bilang na 1,560 na kaso.
Mula sa nasabing bilang ng mga nakarekober, 12 kaso ang nagmula sa Plaridel, Lungsod ng San Jose del Monte na may 7 kaso ng recovereis, Maycauayan 2 kaso, at ang mga bayan ng Balwiag, Guiguinto, Fagonoy, Paombong at Sta. Maria na may tig-iisang kaso.
Habang ang mga nag-positibo sa sakti ay nagmula sa Balagtas (11), Meycauayan (6), Sta. Maria (5), San Miguel (3), CSJDM (2), Calumpit, Marilao, Norzagaray, at Guiguinto na may tig-iisa kaso.
Nanatili pa rin sa kabuuang bilang na 50 ang mga namatay sa COVID-19.
Muling ipinaalala sa ating mga kababayan na patuloy tayong maghugas ng kamay, magsuot ng face shield at face mask, at laging panatilihin ang social distancing.
Ang mga nasabing datos ay mga naisumiteng laboratory results at bineripeka ng Provincial Epidemiology and Surveillance Unit (PESU). (RONDA BALITA Online)