Home EXTRAFONTS Gustong subukan ang kalibre ng ‘Agila’

Gustong subukan ang kalibre ng ‘Agila’

43
0
SHARE
Opinion Column by Manny Camua Dela Cruz

MAY kani-kaniyang diskarte ng pagkaliskis sa mga kandidato ang mga botante, lalo na ang mga kababayan nating Bulakenyo. Kung hindi ka taga-Malolos, tiyak na magtatanong ka kung sino ang kandidato na may bansag na Atty. Agila.

Agila ng Bulacan Christian Natividad

Siya si Mayor Christian D. Natividad, kandidato sa pagka-gobernador sa lalawigan ng Bulacan. Kilalang kilala siya sa Lungsod ng Malolos dahil halos siyam na taon niyang pinamunuan ang dakilang lungsod, bilang alkalde.

Ngayon naman ay ang malawak na lalawigan ang liliparan ng Agila ng Malolos, upang gumawa ng bagong marka na “Agila ng Bulacan”. Ang taguring Agila, ay biglang pumukaw sa pansin ng nakararaming Bulakenyo, partikular ang mga naninirahan sa ikalawa, ikatlo at ikaapat na distrito ng Bulacan.

Dahil kilalang kilala na si Atty. Agila, sa Unang Distrito ng Bulacan, ang mga kababayan natin sa tatlong distritong nabanggit ang nais na subukan ang husay at galing ng Agila ng Malolos. Hindi maiaalis na may mga kababayan tayo na gustong sumubok sa bago.

Ganyan talaga sa larangan ng pulitika. Ibang iba kasi ang diskarte ng mga botante ngayon. Hindi kagaya noon na nadidiktahan ng padre de familia ang kanyang mga anak kung sino ang isusulat sa balota ng buong pamilyang botante. Noon ‘yun. Ang mga kabataan sa ngayon ay may sariling pasya at hindi napadidikta kahit sino pa sa kanilang pamilya ang magsabing iboto nyo si ganito o si gano’n.

Sabi ng mga kabataang nakausap ko, susubukan daw nila si Atty Agila, kung ano ang magagawa niya kung sakaling palarin na mahalal bilang ama ng lalawigan ng Bulacan sa halalan sa Mayo 2019. Sabi nga ng nga Kapampangan: “Subukan pamu para mabalu”.

Malayu-layo pa ang eleksiyon pero napulsuhan na marahil ng mga botanteng Bulakenyo ang kandidato para sa pinakamataas na lider sa Bulacan na kanilang iluluklok sa puwesto. Gayundin naman ang bise gobernador na kanila na ring napupusuan.

Si Anjo Mendoza ang runningmate ni Atty Agila na tinagurian namang “Lawin ng Bulacan.” Sabi nga ng mga supporter ng Agilat at Lawin, kapwa sila may mga bagwis na pumapagaspas sa apat na distrito ng Bulacan. Sabay silang lumilipad at sabay din nilang tatargetin ang kapitolyo ng Bulacan.

Wika nga, hindi madali na maabot ang pangarap ng bawat kandidato subalit nagiging madali ang mahirap at nagiging posible ang mga naisin kung ang oo ng mga botante sa simula ay magiging yes hanggang sa dulo, sa araw ng paghatol para sa mga kandidatong kanilang napupusuan

Sabi naman nina Agila at Lawin sa mga kababayan nating Bulakenyo, samahan sila sa paglipad hanggang sa maabot ang minimithing pangarap na mapamunuan ang lalawigan ng Bulacan at tuparin ang kanilang pangako na ibalik ang Bulacan sa pagiging number one. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous article‘Agila’ ng Bulacan, suportado ng mga Pulilenyo
Next articleHanjin workers mark 5th day of protest rally amid tight security
SI Manny Camua Dela Cruz ay hindi nag-aral ng kursong dyornalismo, subalit naging bihasa sa pagsusulat ng balita, lathalain at sanaysay. Ang kanyang talento ay pinanday ng mahabang karanasan sa larangan ng pamamahayag: Photo journalist sa simula; kalaunan ay naging provincial correspondent ng iba't ibang mga pahayagang nasyonal, naging reporter ng national dailies sa Kamaynilaan at naging editor ng national tabloid, naging editor ng national weekly news magazine. Sa kasalukuyan ay editor/editorial consultant ng ilang provincial-based newspaper sa Bulacan, kolumnista at contributing editor/writer nitong Ronda Balita Online/Weekly Newspaper.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here