Home Bulacan Local News Halaman Festival ng Guiguinto, kampeon sa ‘Indakan sa Kalye 2019’

Halaman Festival ng Guiguinto, kampeon sa ‘Indakan sa Kalye 2019’

82
0
SHARE
Nagpakuha ng larawan si Guiguinto Tourism Officer Rene Villanueva kasama ang mga miyembro at choreographers ng nanalong grupo matapos tanggapin ang kanilang tropeo at seremonyal na tseke na nagkakahalaga ng P100,000. (Kuha ni RR Eleogo)

LUNGSOD NG MALOLOS, Bulacan — Lumutang bilang kampeon laban sa 10 kalahok at Best in Street Dancing ang Halamanan Festival ng Brgy. Ilang-ilang, Guiguinto sa Indakan sa Kalye sa taong ito na ginanap sa Bulacan Capitol Gymnasium sa lungsod na ito kahapon.

Ipinakita ng mga mananayaw ng Halamanan Festival ng Brgy. Ilang-ilang, Guiguinto ang kanilang panalong galaw sa loob ng punung-puno na Bulacan Capitol Gymnasium sa Lungsod ng Malolos, Bulacan habang nakikipag-kumpetensiya sa Indakan sa Kalye 2019 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Singkaban Festival 2019. (Kuha ni RR Eleogo)

Tumanggap ang nanalong grupo ng dalawang tropeo at kabuuang P105,000 perang papremyo: P100,000 bilang unang gantimpala at P5,000 para sa pagiging Best in Street Dancing.

Nagpasalamat si Guiguinto Tourism Officer Rene Villanueva sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pangunguna ni Gobernador Daniel R. Fernando sa patuloy na pagsuporta as mayamang kultura at turismo ng lalawigan.

“Nagpapasasalamat kami dahil we were able to get this time ‘yung first place. Nagpapasalamat din ako kay Governor dahil tuluy-tuloy ang kanyang pagsuporta sa kalinangan at turismo ng Bulacan. Sana patuloy pang pagyabungin ang mayamang kalinangan ng ating lalawigan,” ani Villanueva.

Samantala, sinaluduhan ni Fernando ang mga kabataang Bulakenyo na sa kabila ng panahon ng social media, ay binubuhay ang kanilang pagmamahal sa katutubong sayaw.

“Narito na tayo sa pinakatampok, pinakamakulay at pinakamasayang bahagi ng ating Singkaban Festival. Samahan ninyo ako dahil sa ating taimtim na pagtutulungan, ang ating kultura at kasaysayan ay mananatili bilang matibay na bigkis ng pagkakaisa ng ating mga kalalawigan sa gitna ng ating nagbabagong mundo,” ani Fernando.

Bukod dito, kabilang sa mga nagwagi ang Palaisdaan Festival ng Hagonoy na nagkamit ng ikalawang pwesto at Best in Costume at nag-uwi ng dalawang tropeo at P70,000 at P5,000 perang papremyo ayon sa pagkakasunod-sunod; at ang Salubong Festival ng Plaridel sa ikatlong pwesto at nakatanggap ng P40,000.

Gayundin, binigyan ng consolation prize ang Pasasalamat Festival ng Pulilan, Halamanan Festival ng Cherubim, Guiguinto, at Tanglawan Festival ng Lungsod ng San Jose del Monte na tumanggap ng P10,000 bawat isa.

Samantala, ginawaran ang Hiyas ng Hagonoy Folkloric Group ng Hall of Famer award matapos mag-kampeon sa Indakan sa Kalye sa mga taong 2016 hanggang 2018. (RONDA Balita Online News)

SHARE
Previous articleAral ng Kongreso ng Malolos: Bawat isa may obligasyon sa kasaysayan — Sen. Marcos
Next articleKarosa del Pilar of Bulakan wins in the Parada ng Karosa 2019
ROSETH Eleogo Reyes or RR Eleogo is one of the owners of RONDA Balita. A single mother from Bulakan, Bulacan, and formerly an account officer and columnist of NewsCore, a local newspaper in Bulacan. She also worked in quality control department of Mighty Corporation. A part-time advertising representative of Remate, a national newspaper. She served as Director of Philippine Science Journalists Association Inc. Bulacan Chapter and member of National Union of Journalists of the Philippines (NUJP)- Bulacan Chapter. She won recently as Board of Directors of Bulacan Press Club.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here