Handa na ba ang Bulakenyo sa ‘New Normal’

0
387

ISANG abnormal na panahon ang nakatakdang kaharapin ng mga Bulakenyo sa mga darating na araw matapos man o hindi ang pinaiiral na general community quarantine (GCQ) sa ating lalawigan, umalis man o pumirmi ang epidemyang coronavirus sa ating bansa

Ang “new normal” na tinatawag ang siyang magiging pangkaraniwang kilos ng mga Bulakenyo o maging ang lahat ng Pinoy sa ating kasalukuyang panahon makaraan ng pananalasa ng pandemic COVID-19.

Malamang na matatagalan pa bago tayo-makapag-adjust sa panahon ng new normal dahil hindi tayo sanay na ginagawa ang mga bagong patakaran dito.

Hindi natin nakasanayan ang maglakad o magtrabaho na may suot na face mask.

Hindi rin natin nakagawian ang pagsasagawa ng social distancing maging sa loob ng bahay o sa labas man dahil mas nakasanayan natin ang nagsisiksikan saan mang lugar o sasakyan.

Mas mahilig tayong mga Pinoy na lumabas para mamasyal sa mga mall o mag-bar hopping tuwing gabi.

Sana’y tayong manood ng sine ng siksikan ang loob ng sinehan o kaya’y makipag-balyahan sa palengke tuwing market day.

Malaki ang mababago sa pang-araw araw nating pamumuhay.

Iyan yan ang new normal na dapat makasanayan natin habang wala pang gamot o bakunang naiimbento panlaban sa epidemyang coronavirus o COVID-19 na pumatay ng libu-libong tao sa buong mundo. At marahil, huwag naman sana ay matatagalan pa bago lumabas ang bakunang ito. Masuwerte na tayo na kung may maimbentong bakuna sa susunod na taon.

Ang bakuna laban sa COVID-19 ay maaaring matagalan pa. At habang wala pang bakuna laban dito, ang tanging magliligtas sa mga tao upang hindi mahawahan ay ang pagsunod sa “new normal”.

Dahil sa COVID-19 at sa hirap na dinulot nito sa buhay ng mga tao at sa ekonomiya sa buong mundo, magbabago na rin ng diskarte ng gobyerno at ng mga negosyo.

Bagsak ang ating ekonomiya dulot ng pananalasa ng COVID-19. Subsob pati ang pondo ng gobyerno at marahil ilang taon pa ang gugugulin bago tayo makabalik sa dati.

Kailangan natin ng tamang diskarte para mabuhay. Tamang negosyo na papatok sa masa sa panahon ng new normal at ito ang dapat nating pagkatutukan.

At sa aking palagay ay lalo pang maghihirap ang buhay ng mga Pinoy sa panahon ng new normal pero wala tayong magagawa kundi ang harapin ang bagong hamon.

At sa kabila ng bagong hamon na ito ay patuloy na titindig at lalaban ang mga Bulakenyo sa new normal.

Hanggang sa susunod na isyu po ng RONDA Balita, ang lingguhang pahayagan ng masang Bulakenyo.

Para sa ibang balita, maglog-on sa www.rondabalita.news.

Babu!

Kung may tanong, suhestiyon o komento ’wag mag-atubiling tumawag o mag-text sa numerong 0917 205 3350.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here